Mccoy's POV
Saturday...
Few months passed. December na ngayon at malapit na kaming mag Christmas vacation. Kasalukuyan kaming nagpaplano ng barkada dito sa bahay nina Jane para sa out of town namin next week.
Gusto ko mag out of the country guys! Uhm, sa Japan kaya? masiglang opinyon ni Sammie
Ang usapan, dito lang tayo sa Pilipinas. umiiling-iling na sambit ni Paulo kaya inirapan siya ni Sammie haha
Oo nga! Sa Ilocos nalang nga kasi tayo. sabi naman ni Nikko na walang ginawa kundi kumain ng cake na hinanda ni Jane
No! Mas okay kaya sa Palawan. Diba sis? tanong ni Jane kay Maris na tahimik lang sa isang tabi
Tumango lang siya at ngumiti.
Nagsalita naman ako..
Eh ikaw Max, saan mo gusto? tanong ko sa girlfriend ko na tahimik lang din na nakasandal sa balikat ko
Napaangat na siya ng ulo at tiningnan niya kami isa-isa..
Ah babe, I have something to tell you. napakagat pa siya sa kanyang labi pagkatapos niyang sabihin yon
Ano yun? pagtataka ko naman
Nakatingin lang samin ang buong barkada dahil mukhang inaantay din nila yung gustong sabihin ni Maxine.
Guys, pwede bang sa kanya ko muna sabihin? pagtukoy niya sakin kaya napakunot yung noo ko at lalo akong nagtaka
Tumango naman silang lahat kaya niyaya na ako ni Maxine sa may pool area nitong bahay nina Jane.
Is there a problem? tanong ko agad nang makalayo kami sa kanila
Bumuntong hininga muna siya bago tumango at hinawakan niya yung kamay ko..
Dad called me last night and he wants me to spend the whole Christmas vacation in London. pag e-explain niya
Kumalma muna ako bago ulit magsalita..
Kailan alis mo? walang gana kong tanong at hindi tumitingin sa kanya
Bigla naman niya ako niyakap ng mahigpit.
Gusto mo ba kong umalis? humiwalay ako sa yakap namin para makita ko yung mukha niya at hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi
Syempre ayoko. Pero kung yun ang gusto ni Tito, wala tayong choice kase alam naman natin na dapat siya yung masunod. Diba? nag pout lang siya at niyakap ulit ako kaya niyakap ko rin pabalik
Don't worry babe, we'll be okay. Kaya natin yung two weeks. Pati araw-araw kitang iu-update, promise. pagpapagaan ko ng loob niya pero kahit sa mismong sarili ko, nalulungkot din ako hays
Kumalas na kami sa yakapan pero siningkitan naman niya ako ng mata. Haha mukhang alam ko na 'to... Be a good man here, okay? Don't make me feel mad at you or else! natawa ako ng konti at tinanguan ko lang siya
Pero ngayon palang namimiss na kita! sunod niyang sabi tapos kiniss niya ko sa cheeks at naging seryoso na ulit... I love you so much, babe.
Napangiti naman ako sa sinabi at ginawa niya, I love you too, My Cutie Pie.
Bigla siyang napatawa ng malakas kaya nahawa rin ako.
You still remember it huh? natatawa parin niyang komento
Of course! After all these years, ngayon ko nalang ulit binanggit yung "cutie pie" dahil sayo nanggaling yun eh. tumigil na siya kakatawa at napailing nalang
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...