Maris' POV
May itatagal ka pa ba dyan Mariestella?! sigaw ni Jane mula sa labas nitong cr
Mauna na kayo, susunod nalang ako! Magbibihis palang ako eh. sagot ko naman dahil kakatapos ko lang maligo
Ako nalang kase ang inaantay nila dahil ako yung nahuling gumising at naligo. Nag text na daw kasi si Paulo na nasa restaurant na daw sila ng ibang boys para mag breakfast.
Sure ka? tanong naman ni Sammie
Yep! Susunod agad ako!
Sige. Bilisan mo ha! Una na kami. sabi ulit niya kaya nagmadali na akong kumilos
Simple lang ang ootd ko ngayon. White sweater para sa malamig na panahon, pants, and white shoes... tapos! Naglagay lang ako ng powder at lip balm para mas natural lang yung ganda ko haha.
Kinuha ko na yung sling bag ko na naglalaman ng phone, earphones, power bank, powder, lip balm, at syempre wallet.
Pagbukas ko ng pinto para lumabas, nanlaki bigla yung mata ko dahil bago palang din pala lalabas si Mccoy sa room nila. At isa pa, napansin kong medyo natatawa siya habang tinitingnan niya ako from head to toe kaya napatingin din ako sa suot ko.
Binalik ko yung tingin ko sakanya kaya na-gets ko na kung bakit. Yun naman pala, pareho kaming naka white na sweater at white shoes. Ang pinagkaiba lang namin ay naka-pants ako tapos siya naman ay naka short at magkaiba rin ng kulay. Jusko!
Hi, good morning. bati niya sakin at nginitian ako kaya naman ngumiti rin ako pero yung pilit lang dahil naiilang parin ako sakanya
Naglakad na ko at ramdam ko namang nakasunod siya sakin kaya mas lalo kong binilisan. Sumakay na agad ako sa elevator at pinindot ko na agad ito pa-ground floor. Magsasara na sana yung elevator pero bigla siyang tumakbo papasok kaya naabutan niya ako.
Maris -- pagbanggit niya ng pangalan ko -- Hmm? -- tugon ko -- Bati na ba tayo? tanong niya kaya napatingin na ko sakanya at ang seryoso niya masyado
Napalunok muna ako bago tumango at unti-unti naman siyang napangiti.
Wala ka bang planong kausapin ako? tanong ulit niya
Wala naman akong dapat sabihin. sabi ko ng hindi nakatingin sakanya
Wala ba talaga o ayaw mo lang? hays kulit
Mccoy, okay na nga diba? Bati na tayo. Ano pa bang gusto mo? inis kong sambit
Hindi kase ako naniniwalang okay na talaga. deretso niyang sabi kaya napatingin ulit ako sakanya at napakunot ang noo ko
Napabuntong hininga siya, Maris, gusto ko yung totoo. Ayokong nagkukunwari ka lang na okay tayo. Maging honest ka naman oh! Mag-bes tayo diba?
Pagkasabi niya non ay biglang nagbukas yung elevator. Andito na pala kami sa ground floor.
Nagkatinginan naman kaming dalwa at nagsalita ako, Mamaya nalang natin yan pag-usapan, Mccoy. lumabas na ko pero hindi ko naramdamang sumunod siya sakin
Nag act normal nalang ako nung malapit na ko sa restaurant at nung nakita ko na yung barkada na sinesenyasan akong lumapit sa kanila.
Maris -- tumingin ako kay Nikko na tumawag sakin -- Hindi mo ba nakita si bangus? -- tanong niya pero nagkibit-balikat ako -- Ay oo nga pala! May LQ kayo. sunod niyang sabi at natawa yung iba kaya binatukan ko ng isa
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...