Maris' POV
Sabado ngayon. Kasalukuyan akong nag-aantay kay Carlo dito sa sala namin dahil niyaya niya akong mag mall at pumayag naman ako dahil wala rin naman akong gagawin ngayong araw.
*beep beep*
Alam kong si Carlo na yon kaya lumabas na ako ng bahay pero iba ang nakita ko. Anong ginagawa niya dito?
Mccoy? May usapan ba tayo ngayon? pagtataka ko tapos lumapit siya sakin ng nakangiti
Wala. Naisip ko lang na sunduin ka dito. At sakto nakabihis kana rin pala! teka pano 'to?
Wrong timing ka naman eh! May iba akong lakad ngayon. pero sayo ko gustong sumama :(
Sino namang kasama mo? pagtataka niya
Uhm si ano, si Carlo. nahihiya kong sabi
Ah ganun ba? nag pout pa siya. Sige, alis na ko. Ingat kayo. naglakad na siya ulit pabalik sa kotse niya. Tumango lang ako at ngumiti. Sayang naman!
Next time nalang ha? Bye panget! Ingat ka. sabi ko bago siya tuluyang umalis pero di ko alam kung narinig niya pa yon
Pag-alis niya, sakto namang dating ni Carlo..
Maris! Sorry ngayon lang ako, napaka-traffic eh. sabi niya tapos binuksan na niya yung passenger seat at pinasakay ako
Nga pala, nanggaling ba dito si brad? napatingin naman ako sakanya
Parang nakita ko kasi yung kotse niya na palabas nitong village. sunod niyang sabi. San na kaya yon pumunta?
Oo, may tinanong lang naman siya. jusko ang sinungaling ko
Tumango lang siya at nagsimula ng mag drive. Okay naman siyang kasama dahil madaldal din. Kung ano-anong kinukwento niya kaya hindi boring kasama. Hanggang sa makarating na kami ng mall.
Mccoy's POV
Yayayain ko sana si Maris ngayon manuod ng sine kaso wala eh, lagi nalang akong nauunahan. Hays! Napagdesisyunan kong pumunta muna sa isang branch ng business namin ngayon dahil malapit lang din naman yun dito. Hindi pa kasi ulit ako nakakadalaw don simula nung nag LA kami.
Binilhan ko na rin yung Mom ko ng pwede niyang kainin dahil magla-lunch na naman. Panigurado kasing busy yun ngayon sa trabaho kaya baka malipasan nanaman ng gutom. Ang sweet ko no? Haha.
Pagpasok ko palang sa building, sinalubong na agad ako ng mga bati na may kasama pang pagtungo at ngiti. Sanay na ko sa mga tao dito dahil madalas akong bumisita dito noon. Tinatanguan at nginingitian ko nalang sila kapag nakakasalubong ko.
Mygahd! Mccoy ikaw na ba yan?! niyakap niya agad ako haha namiss ko rin 'to
Hala naman! Lalo kang gumagwapo ah! Kamusta na ang aming Ultimate Hearthrob ha? sunod niyang sabi pagkatapos akong yakapin kaya natawa ako
Okay naman po ako Ate Rose. Kayo po kamusta kayo dito? matagal na siyang manager dito kaya naka-close ko na rin. Nilibot ko ang tingin sa paligid at napansin kong lalo itong nag-improve.
Maayos kami dito at okay naman ang lahat. nakangiti niyang sabi kaya tumango-tango nalang ako
Bat ka nga pala napadalaw dito? Ah siguro susunduin mo yung jowa mo no! Ikaw ha luma-love life! napakunot ako ng noo
Jowa? Sino naman po? natatawa kong tanong
Sus kunwari ka pa! Hindi man lang kami na-inform na kayo na pala. Si Ella diba? Yung Maxine mo na bukambibig mo sakin noon! whaaaaaat?
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...