Mccoy's POV
Paggising ko, kinuha ko agad yung phone ko at tinext siya..
To: Miss Sungit ;)
Good morning MS! See you later :)
Simula nung naging close kami ni Maris, lagi akong may goodmorning and goodnight message sakanya. Wala eh, nasanay na rin naman ako.
Hindi ko na inantay yung reply niya dahil alam kong tulog pa yon. Naligo na ko at nag ready for school. Hindi ko alam kung bakit parang may iba akong nararamdaman ngayon. Parang kinakabahan ako na ewan pero wala namang dahilan. Tsk weird!
Paalis na ako ng bahay pero biglang may nagtext. Ine-expect kong si MS yun pero hindi pala..
From: Brad Carlo
Brad! May balita ako sayo pero hindi ko alam kung good or bad ba para sayo haha.
Na-curious naman ako bigla kaya agad akong nagreply.
To: Brad Carlo
What is it brad?
From: Brad Carlo
You'll see! Dalian mong pumasok para malaman mo bwahaha.
Hindi na ko nag reply. Siraulo talaga yon!
Naisipan kong daanan nalang si Maris sa bahay nila. Wala pa kasi akong natatanggap na reply mula sakanya. Siguro tinanghali nanaman yun ng gising hays!
Nandito na ko sa living room nila at inaantay siya. Tama nga ako, na-late ng gising si Ms. Sungit haha well sanay na ko.
Anong nakain mo't sinusundo mo ako ngayon? tanong niya habang pababa ng hagdan kaya napatingin ako
Wala, gusto ko lang. Masama ba? seryoso kong sabi
Hanep ah! Anyways, gusto mo munang kumain?
No, thank you nalang. sabi ko at ngumiti
Kung ganon edi let's go na! pag aaya niya
Hoy! Let's go ka dyan! Kumain ka muna. tatay gaming muna lol
Wag na, baka ma-late pa tayo! lalabas na sana siya ng pinto pero hinila ko papuntang kitchen kaya wala na siyang nagawa
Kumain ka dyan! Maaga pa, hindi tayo male-late. pinaupo ko na siya pero nagdabog pa aah
Tiningnan ko lang siya ng masama tapos sinabi niyang, Eto na nga po, kakain na! at nagsimula na siyang kumain.
Good girl! natatawa ako kaya inirapan ako haha
Pagkatapos niyang kumain ay niligpit na nung maid nila yung pinagkainan niya. Umalis na kami at nagpuntang school. Pinagtitinginan nga kami ng mga students na nakakasalubong namin sa hallway.
Sarap dukutin ng mga mata, ugh! bulong nitong kasama kong masungit kaya natawa ako
Hayaan mo, inggit lang yang mga yan kasi may kasama kang gwapo! pagbibiro ko kaya bigla akong siniko sa tagiliran, aray!
Duh! Kapal naman ata ng face mo! napairap pa siya kaya tinawanan ko nalang
Pagpasok namin ng room, puro may kanya-kanyang mundo. Halos kumpleto na nga kami pero wala pang teacher. Late na siya ng mga 5 minutes lol!
Brad! tawag sakin ni Carlo kaya lumapit ako. Si MS naman naupo na sa upuan niya.
Magugulat ka sa sinasabi kong balita sayo! may pag palakpak pang nalalaman kaya napatingin sakanya lahat ng kaklase namin
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...