CHAPTER 2

209 4 0
                                    

Mccoy's POV

Second day

Naglalakad na ko dito sa hallway na kakaunti palang ang tao dahil napaaga ako masyado. Late na kasi ako kahapon kaya ayoko namang ma-late ulit ngayon haha good boy 'to eh!

Papasok na ako sa room kaso biglang... *booogsh*

Ouch/Aray naman! sabay naming pagrereklamo nitong nakabunggo ko sa may pinto at parehas pa kaming napahawak sa ulo namin haysss

Ano ba yan ang aga-aga sira na agad araw ko! inis niyang sabi kaya napangisi ako

Uso kase tumingin sa dinadaanan, SEATMATE! pang aasar ko lalo sa kanya haha tama kayo ng basa, ako yung seatmate niyan. Actually, sa tatlong subject tss!

Inirapan niya lang ako at sinabing, Wala akong oras para makipagtalo sayo, MR. PANGET NA SEATMATE! nilampasan niya ako at tuluyan ng lumabas ng room kaya natawa nalang ako. Ako? Panget? Siguro kabaligtaran yung ibig sabihin niya dun! Diba guys? Hahahaha.

Umupo na ko sa upuan ko at nag phone nalang muna para pampalipas oras. Maya-maya ay napatingin ako sa may pintuan at sakto namang kakapasok lang ni Carlo kaya napatingin din siya sakin at umupo sa tabi ko.

Wow ang aga natin ngayon ah! Anong nakain mo? sabi niya sabay tawa

Tsk! Ikaw naman parang ang saya mo masyado! Ano ring nakain mo? tumawa lang kami parehas at padami na ng padami ang dumadating na kaklase namin

Napansin kong kanina pa nakatingin yung isa kong kaklase na babae na nasa gilid lang namin. Pag titingin ako sa kanya, bigla namang iiwas. Hayy mga babae talaga. Pero baka crush lang ako non, sanay na ko sa ganyan. Hahaha mahangin ba? Sorry na! Lol.

After a few minutes, dumating na yung teacher namin. Late pa nga ng 10 minutes eh. Si Carlo pa rin ang katabi ko ngayon dahil pwede naman kahit saan umupo sa subject na to. Excited na nga agad ako sa next subject dahil aasarin ko na naman yung seatmate kong napaka sungit haha.

Maris' POV

Argh! Nakaka-high blood talaga yung kayabangan ng panget na nilalang na yon! Sarap bigwasan ng paulit-ulit nakakainis! Bakit pa kase naging kaklase ko pa yung hinayupak na yon?! Napakamalas ko talaga hays!

Dumeretso ako dito ngayon sa cr paglabas ko ng classroom. Narinig kong may nag-uusap sa labas nitong cubicle na pinasukan ko.

Grabe sobrang gwapo talaga niya no? maarteng pagkakasabi nung babae

Oo nga bes! Ano kayang section nun? sabi naman nung isa na kinikilig kilig pa kuno

Nakita ko siya kanina na pumasok sa room ng S4 eh! Ano kayang name non no? medyo nagulat naman ako dahil syempre isa sa mga kaklase ko yung tinutukoy nila

Eh? Abangan nalang natin lagi tuwing break time at lunch at dismissal para makasilay! sabay silang nagtawa jusko ang kikire naman ng mga yon

Agree ako dyan! Pati itanong natin sa iba niyang kaklase kung anong pangalan non ha?

Okay sige! Tara na't baka nandun na si Sir.

Narinig ko ng lumabas sila kaya lumabas na rin ako. Da who kaya yung pinag-uusapan nila? Iilan lang naman ang gwapo sa section namin hahaha char!

Nang matapos ang first subject namin, na-badtrip na ulit ako dahil makakatabi ko na naman yung mayabang na yon! Kung pwede lang magpalipat sa ibang pwesto, nagawa ko na pero hindi eh. Buong semester ko siyang makakatabi sa tatlong subjects hays pwede namang sa isa lang eh pero bakit tatlo pa? Ugh!

The Choice Where stories live. Discover now