CHAPTER 3

175 3 0
                                    

Maris' POV

Minulat ko ang mga mata ko at nilibot ang tingin sa paligid. Teka, kwarto ko 'to ah. Pano ako nakauwi dito?

Biglang may nagbukas ng pinto at bumungad naman ang Tita ko na nakangiti sa akin.

Oh Mariestella, buti gising ka na. Eto pinaghanda na kita ng breakfast mo! pinatong niya yung tray sa ibabaw ng lamesa na nasa gilid ng kama ko

Thank you po Tita! Pero ano pong nangyari kagabi? Paano po ako nakauwi? umupo na ako sa kama galing sa pagkakahiga

May tumawag kasi sakin nung nasa office pa ko at sinabing nakita ka daw niya sa kalagitnaan ng ulan tapos bigla ka daw nawalan ng malay kaya sinakay ka daw niya sa kotse niya. Buti nalang daw ay may nakita siyang ID mo last school year sa wallet mo kaya nalaman niya yung address natin pati yung number ko na nakalagay dun. Tapos ayun, naihatid ka naman niya agad dito kaya umuwi din ako agad. kwento sakin ni Tita na nakaupo na rin sa kama ko at ang lapad pa ng ngiti kaya napakunot ang noo ko

Alam mo, buti nalang napakabait nung tumulong sayo kagabi. Kung iba yon, baka may ginawa ng masama sayo. Ang layo pa nga ng bahay nung kaklase mong yun eh! Kaya malaki ang utang na loob natin dun ha! sunod niyang sabi kaya lalo akong nagtaka, sinong kaklase ko? hmm

Tita, sinong kaklase ko po yun?

Pati, parang bagay kayo! Ang gwapo nun ha! Wag mo ng pakawalan. natatawang sabi ni tita, huh?

Tita naman eh! nahihiya kong sabi, pati hindi man lang sinagot yung tanong ko hays

Hahahaha sige na, kumain kana baka lumamig pa yang pagkain mo! At magpahinga ka nalang muna ngayong araw. tumayo na siya at naglakad na palabas ng kwarto ko pero huminto siya..

Ay nga pala, diba tinatanong mo kung sino siya? ngumiti pa ng nakakaloko si tita, hala siya!

Tumango lang ako at sinabi niyang, Mccoy Montefalcon daw ang pangalan iha! nanlaki bigla yung mata ko at kinindatan pa ko ni tita bago lumabas ng tuluyan sa kwarto ko. Seriously? Yung mayabang na yon? WTH!

Mccoy's POV

Nandito na ko sa bahay at kakauwi ko lang. As usual, yung Mom ko nasa work pa. Dun na yata tumitira yun sa office niya eh hays. Tapos si Dad naman hindi ko pa ulit nakakausap simula nung nagpa-iwan siya sa LA dahil din sa work tss.

Matutulog na sana ako kaso biglang may nag pop up sa screen ng phone ko dahil sa nag-accept ng friend request ko. Kinuha ko agad yon dahil alam ko na kung sino. Siya pa lang naman yung inadd ko na new classmate ko.

Maris Monteza accepted your friend request. Naks! Haha.

Maya-maya...

Maris Monteza: Mccoy

Mccoy Montefalcon: Yes Ms. Sungit? Himala! First time mo yata akong tinawag sa pangalan ko hahaha miss mo na ko no?

Maris Monteza: Heh! Feelingero! But anw, yung about dun sa kagabi, salamat ha?

Mccoy Montefalcon: Ah ayun? Okay lang! Sa susunod kase wag ka ng makulit para di ka napapahamak. At nga pala, may kapalit naman eh bwahaha

Maris Monteza: Weh yabang! Walangya ka talaga! Kala ko bumait kana tsk!

Mccoy Montefalcon: Hahaha wag kang mag-alala, simple lang naman yung gusto ko.

Maris Monteza: Ano ba yun?

Mccoy Montefalcon: Basta! Malalaman mo rin yon.

The Choice Where stories live. Discover now