CHAPTER 15

99 2 0
                                    

Maris' POV

Sunday na ulit. Ibig sabihin, si Mccoy ang makakasama ko ngayong araw. Ito yung parte ng plano namin every week so matic na lagi yon. At sakto namang, paggising ko ay may text na agad siya..

From: Buang

Good morning! Bumangon kana agad Miss Sungit. Maaga pa tayo ngayon. Paalis na ko dito sa bahay.

Sinunod ko naman agad yung sinabi niya kaya bumangon na ako at sinumulan ko ng gawin ang daily routine ko.

Mag fast forward tayo ng kaunti..

Nandito na ko sa loob ng kotse niya at papunta na kami ngayon sa simbahan.

Marami ka pang dapat ikwento sakin ha? Pero mamaya nalang pagkatapos nating magsimba. natatawang sabi ni Mccoy

Tse! Napaka-tsismoso mo talaga. inirapan ko pa siya kaya lalong tumawa hayss

Wala na ulit nagsalita samin hanggang sa makarating na kami sa church. Nakinig kaming mabuti kay Father kaya hindi kami nag-uusap sa loob ng simbahan maliban nalang kung kailangan ng mag "peace be with you" haha.

Paglabas palang namin ng simbahan, nag suggest agad ako kung saan ko gustong kumain..

Buang, I'm craving for milk tea. Let's go to Dakasi! kumunot lang yung noo niya pagkasabi ko non

Nag pout ako at sinabing.. Ayaw mo ba dun?

Seriously? Milk tea talaga gusto mo? napakamot pa siya sa ulo niya, bakit baga?

Of course! Mukha ba kong nagjojoke? Pati anong masama sa milk tea ha? tanong ko bago sumakay sa kotse niya

Umikot na siya para sumakay sa driver seat at inistart na niya yung engine..

Ang kailangan kasi nating kainin ngayon ay RICE. Tingnan mo -- pinakita pa niya sakin yung watch niya -- halos lunch time na, tapos milk tea pa kakainin mo. umiling-iling pa siya pagkatapos niyang sabihin yon at pinaandar na niya yung kotse

Wow, kailan ka pa naging ga-- pinutol niya yung sasabihin ko dapat, hay nako!

Gusto lang kitang alagaan! nakatingin lang siya sakin ng seryoso at bumuntong hininga siya, Bawal ba yon? nanlaki yung mata ko sa sinabi niya

Okay ganto nalang, pagkatapos nating mag lunch tsaka ka mag milk tea pero dapat medyo nagugutom kana ulit non. sa daan lang siya nakafocus habang sinasabi niya yan

Ano, deal? tanong niya at tumingin sakin kaya tumango ako

Tumahimik na ulit sa loob ng sasakyan kaya naisipan kong buksan yung radio..

This song is from James Arthur, Say you won't let go. Enjoy! bumungad yung nagsasalitang DJ at ni-play na yung song

Ayy! LSS ko yan ngayon, lalakasan ko ha? tumango lang siya kaya mas nilakasan ko na yung volume

Sinasabayan ko yung kanta pero sa isip ko lang yung iba. Nilalakasan ko lang yung boses ko pag relate na ko dun sa lyrics haha.

I knew I loved you then

But you never know

Cause I played it cool when I was scared of letting go

I know I needed you

But I never showed

But I wanna stay with you

Until we're grey and old

The Choice Where stories live. Discover now