Mccoy's POV
Kinabukasan...
Kasama ko ngayon sina Carlo, Nikko, at Paulo at on the way na kami sa isang bar na sinasabi ni Cloie dahil nga may pa-party yung friend niya.
Brad, alam ba ni Ella na pupunta tayo don? tanong ni Carlo habang nagda-drive
Oo brad. Nakapagpaalam na ko kagabi palang. sagot ko naman
Naks! Buti naman pumayag pre. sabi ni Paulo na natatawa
Oo nga no? Nagkaron ng himala! pagbibiro pa ni Nikko kaya napatawa yung dalwa
Hindi ko nalang sila pinansin dahil ka-text ko si Maris..
To: Bituin/Bes :)
Hoy bes! Papunta kami ngayon sa isang bar dahil may party daw yung friend ni Cloie. Yung tatlo ang kasama ko kase may ibang pupuntahan si John.
Hindi rin nagtagal ay nagreply na siya..
From: Bituin/Bes :)
At talagang ngayon mo lang sinabi kung kelan papunta na kayo ha! Tsk tsk.
Patay na!
To: Bituin/Bes :)
Sorry na! Sasaglit lang naman kami don eh. Nahiya lang kasi ako kay Cloie. Pati kasama ko naman yung tatlong ugok. At isa pa, pumayag si Maxine hehe.
From: Bituin/Bes :)
Sige bahala ka! Ipapaalala ko lang sayo na maaga pa ang alis natin bukas.
To: Bituin/Bes :)
Osige, hindi ko naman yun kakalimutan. Salamat bes!
Pagkatapos ng convo na yon ay hindi na ulit siya nag reply.
Maya-maya lang ay nakarating na kami dun sa bar. Maganda at malaki din siya katulad nung kay Ver. Hindi nga agad kami pinapasok pero buti nalang ay dumating si Cloie.
Janine, this is Mccoy. And Mccoy, she's the birthday girl, Janine. pagpapakilala ni Cloie
Happy birthday. bati ko kay Janine tapos nag shake hands kami at ngumiti rin siya
Uhm anyways, these are my friends. Carlo, Paulo, and Nikko. parang bigla kasing umurong yung mga dila ng mga 'to kaya ako na ang nagpakilala sa kanila
Binati rin nila si Janine tulad ng ginawa ko at nakilala na rin nila si Cloie.
Ang hot nila pre! natutuwa pang sabi ni Nikko nung bumulong sakin kaya napailing nalang ako
Hey guys! Mag-enjoy lang kayo ha? And feel free -- sabi ni Janine -- Si Cloie muna bahala sa inyo dito, babalikan ko kayo later. ngumiti ulit siya bago umalis.
Nasa isang table kasi kaming apat kasama si Cloie at may lumapit para bigyan kami ng mga inumin which is alcohol.
Thank you for granting my request, Mccoy. sakin kasi siya tumabi
Wala yon! sabi ko nalang at ngumiti
Okay, so let's cheers! sabi ni Cloie saming lahat at sabay sabay kaming uminom
Kamusta nga pala kayo ng girlfriend mo? tanong niya ng nakatingin lang sakin
Masaya parin kami. Kaso, bumalik ulit siya ng London kahapon eh. pagkukwento ko at tumango-tango lang siya
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...