CHAPTER 11

109 5 0
                                    

Mccoy's POV

Pagkatapos naming manuod ng movie ni Maris habang nagtatakaw ay naisipan kong yayain siyang libutin itong village namin ng naka-bike. Sakto nga dahil dalwa yung bike ko. Yung isa medyo matagal na pero yung pinagamit ko kay Maris eh bago pa.

Time check: 2:20pm

You know what? First time ko dito. Ang tagal pala talaga ng biyahe no? pinagmamasdan niyang mabuti ang mga nadadaanan namin habang dahan-dahan kaming nagba-bike ng sabay

Sanay na ko sa biyahe. Araw-araw baga naman! tumingin lang siya sakin at tumawa ng konti

Pero in fairness, ang ganda dito sa inyo. Pang rich kid talaga eh! pagbibiro pa niya kaya napailing nalang ako

Pwede ka namang pumunta dito any time eh! You're always welcome here. nginitian ko siya at ganun din ang ginawa niya

Himala yata dahil napakabait ng trato mo sakin ngayon Mr. Panget! natatawa niyang sabi

Sinusulit ko lang kase ang araw na 'to na kasama ka Miss Sungit, kase panigurado mamimiss mo AKO este mamimiss KITA. may halong pang aasar pa yon pero totoong mamimiss ko siya

Napatigil siya sa pagba-bike pero ako nagtuloy-tuloy lang. Napalingon naman ako sa gawi niya at nakatingin siya sakin na parang nagtataka dahil nakakunot ang noo.

Binalikan ko kung saan siya tumigil pero pumunta pala siya sa isang mini park at umupo sa isang swing. Lumapit ako sa kanya kaso tiningnan niya lang ako ng masama.

Ang sungit mo nanaman po. May problema ba? umupo na rin ako sa isang swing na katabi niya lang

Hindi siya kumikibo. Nakatingin lang siya sa malayo. May nasabi ba kong hindi maganda? Lintek naman!

Huy pansinin mo naman ako! pagmamakaawa ko na may kasamang pagpapacute lol

Ano ba kasi yung sinabi mo kanina? Aalis ka ba? Iiwan mo ko? Ayokong maiwan! Pero sabagay, wala naman akong karapatan na hilingin sayo na wag mo kong iwan diba? nanlaki ang mga singkit kong mata sa narinig ko kasabay ng pagbuntong hininga naman niya, I hate goodbyes Mccoy, alam mo yan. sunod niyang sabi

Tara na nga! Bumalik na tayo. tumayo na siya at naglakad palayo sakin

Sumigaw ako pero yung alam kong maririnig niya lang...

Ayaw mong maiwan diba? Pero bakit ikaw yung nang-iiwan sakin ngayon? napatigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumilingon

Tumayo na ko mula sa pagkakaupo at dahan-dahan akong naglalakad palapit sakanya...

Hindi naman ako aalis eh. Hindi kita iiwan. sabi ko at humarap na siya sakin tapos biglang tumulo yung luha niya tsk i hate this!

Mas lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.

Shh wag ka ng umiyak. Ayokong nakikita kang ganyan eh. Wag kang mag-alala, andito parin naman ako palagi para sayo. Siguro may mga magbabago ng konti kase hindi naman lahat ay permanente diba? napabuntong hininga ako at niyakap siya ng mahigpit

Lalo siyang umiyak pagkasabi ko non at nararamdaman ko iyon sa damit kong basa na dahil sa mga luha niya. Ang tanga ko hays!

Para mas maintindihan mo, dederetsuhin na kita. humiwalay na kami sa pagkakayakap at nakatingin lang kami sa isa't isa

Simula bukas, plano kong ligawan ulit si Janella. nag fake smile ako at napatungo siya

Kahit naman hindi natin aminin, alam parin natin sa sarili natin na ikaw -- inangat na niya ulit ang ulo niya -- may Carlo na, tapos ako, may Janella.

The Choice Where stories live. Discover now