CHAPTER 6

108 3 0
                                    

Mccoy's POV

Natakasan agad ako ni Maris after ng second subject kaya hindi ko na siya nakausap. Ano ba kasing problema niya? Napakasungit na naman!

Uhm, hi Yuan! bati niya sakin at ramdam kong nakatayo siya sa gilid ko

Marc Yuan Sy Montefalcon ang buong pangalan ko at siya lang naman ang tumatawag sakin ng Yuan maliban sa parents ko. Bakit pa siya bumalik kung kailan nakakalimutan ko na siya? Tsk!

Hello. sabi ko ng walang gana at hindi tumitingin sakanya. Busy kasi akong naglalaro sa phone ko.

Ah Yuan, can we talk? hinawakan niya ako sa balikat ko at pasimple ko itong inalis sa pamamagitan ng paggalaw ko ng balikat lol gets niyo?

Please? pamimilit pa niya hays weakness ko 'to eh

Wala na naman tayong dapat pag usapan diba? tiningnan ko na siya, mata sa mata.

Kung sa tingin mo wala na, sakin meron pa. ugh i hate this!

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo.

Okay. Follow me. lumabas ako ng room at nagpunta sa rooftop para walang tao at sumunod naman siya

Start. utos ko sakanya nang makarating kami sa rooftop

Galit ka parin ba sakin? tanong niya pero hindi ko siya tinitingnan

Bat naman ako magagalit diba? Ang simple lang naman ng ginawa niya sakin noon! Tsk.

flashback

Today is October 28, 2014, end of first semester namin. A year ago, there was a girl that changed my whole life. At ngayon, isang taon na akong nanliligaw sa kanya. Ngayon ko rin siya planong tanungin kung pwede na niya akong sagutin.

Oh brad, easy ka lang, magiging successful lahat ng 'to. Tiwala lang! tinapik-tapik ako ni Carlo sa balikat dahil kinakabahan na ko ng sobra

Okay na at naka-ready na yung buong place at kumpleto na rin lahat ng favorite foods niya. Haharanahin ko rin siya mamaya ng paborito niyang kanta at isasayaw ko rin siya. Yung babaeng pinakamamahal ko nalang talaga ang kulang. At sana um-oo siya sa itatanong ko.

5pm ang usapan ng pagkikita namin ngayon kaso magda-dalwang oras na akong naghihintay sakanya dito sa park pero ni anino niya hindi ko pa nakikita. Kanina ko pa siya tinetext at tinatawagan pero naka-off ata yung phone niya. Asan ka na ba Maxine?

Mccoy! tawag sakin ng babaeng tumatakbo palapit sakin

Julia, where's Maxine?! pag-aala kong tanong sa bestfriend niya

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita..

Kaya ako nandito para sabihing, hindi na siya makakapunta. napakunot ang noo ko

Bakit?! Paanong hindi siya makakapunta eh ang ganda ng usapan namin?! Asan ba siya?! May sakit ba siya or what?! Ano?! napapasigaw na ko kaya nilapitan na ako ni Carlo at pina-kalma ako

Mccoy, I'm sorry but she's leaving now. mahina niyang sabi at napatungo

Ha?! Ano bang sinasabi mo? ang gulo promise hays

She's going to London. At ngayon na ang flight niya.

No! Hindi ako naniniwala. Sinabi niya sakin na pupunta siya!

Hindi ako nagbibiro Mccoy, paalis na siya. sinipa ko yung upuan at lamesang nasa likuran ko ngayon, hindi ako makapaniwala.

Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin 'to?!

The Choice Where stories live. Discover now