Mccoy's POV
12: 25am na pero hindi parin ako makatulog. Ang daming pumapasok sa utak ko ngayon. Nag online muna ako at nakita kong may message si Maxi-- este Janella pero nung 10:13pm pa kaya hindi na siya online ngayon.
Janella Sanchez: Hi Yuan, I missed you. Thank you nga pala kanina kasi pinakinggan mo ko :)
Sineen ko nalang yon at nakita ko namang active now si Maris kaya hindi ako nagdalwang isip na i-chat siya..
You: Miss Sungit!
You: Bakit hindi ka pa natutulog?
Ms. Sungit: Pake mo?
You: Ayan ka nanaman eh! Bat ganyan ka sakin?
Ms. Sungit: Char lang hehe
You: Lakas ng trip mo no? Hays
Ms. Sungit: Sorry na! Na-realize ko lang kasi na wala akong karapatang magalit sayo.
You: Naka drugs ka ba? Hahaha anong ka-dramahan yan?
Ms. Sungit: Ulol! WALA! Sige na, tutulog na ko. Byers!
You: Ang gulo mo hahaha. Osige, makatulog na din. Sabay ulit tayo pumasok bukas!
Ms. Sungit: Okay, nighty! Ha? Next time nalang ulit panget, may kasabay na ko eh hehe.
You: Ah ok, sige lang haha. Good night!
seen
Sino namang kasabay non? Siguro sina Sammie lang naman.
fast forward
Lunch time na at nandito kami ni Carlo sa isang mall malapit sa school. Hindi ko nga alam dito kung bakit kaming dalwa lang yung magkasama. Sabi ko kase, isama namin yung ibang tropa namin pero ayaw niya. Siguro gusto akong masolo hahaha jk!
May problema ka ba? tanong ko habang kumakain kami dito sa isang resto
Wala naman brad. May gusto lang akong sabihin sayo. mukhang serious talk 'to ah
Ano yun? pagtataka ko
Umamin na ako kahapon kay Maris na gusto ko siya. muntik ko ng maibuga yung juice na iniinom ko tss
At ayun, pumayag naman siya kaya nag start na akong manligaw. sunod niyang sabi kaya napakunot nalang yung noo ko. Bat naman yon pumayag?!
Oh brad bakit ganyan itsura mo? natatawa niyang tanong
Sure ka na ba kay Maris brad? Baka naman nabigla ka lang! pag-angal ko kase hindi pwede hays
Oo naman! Siguradong-sigurado ako sa kanya. Ano bang meron? pagtataka niya
Hindi kasi pwede br--
Bakit? Gusto mo rin ba siya? deretso niyang tanong kaya napabuntong hininga ako
Hindi sa ganun brad! Hindi kasi pwede dahil alam kong hindi pa siya ready sa mga ganyan. Kilala ko na si Maris. Hindi niya pa priority ang mga ganyang bagay. pag e-explain ko
Kung ganun edi maghihintay ako hangga't maging ready na siya. Pati isa pa, pumayag naman siya kahapon nung umamin ako kaya okay lang yon! napailing nalang ako
Walang makakapigil sakin brad. Alam kong mahuhulog din ang loob niya sakin. sunod pa niyang sabi kaya tumango nalang ako
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...