Maris' POV
Time check: 7:05am
Monday na. Kanina pa dapat kami nakaalis papuntang Cebu pero nang dahil sa boys, ayun cancelled muna.
Nakaupo lang ako dito sa maliit na couch sa may tabi ng kama ko at kasalukuyan kong pinapanood matulog si bes. Dito ko kasi muna sa bahay namin inuwi si Mccoy kagabi dahil ang layo pa ng bahay nila kung ihahatid ko pa siya don.
Bigla namang nag ring yung phone ko at nung nakita ko kung sino yon ay sinagot ko agad..
On the phone
Hello po Tita Shiela. bungad ko sa Mom niya
Iha, how's my son? Gising na ba siya?
Tinext ko kasi agad si Tita nung naiuwi ko na si Mccoy dito sa bahay kagabi at sinabi ko na nalasing siya kasama yung mga kaibigan naming boys. Hindi ko sinabi yung nangyari sa condo nung malanding babae dahil paniguradong mayayari itong si bes kaya mas mabuti kung siya yung magsasabi.
Okay na naman po siya Tita, mahimbing parin po siyang natutulog eh. sagot ko naman
Thank you sa pag-alaga Maris ha? Pasensya na rin kung naabala ka pa dahil sa kalokohan niyang kaibigan mo. Hay nako, mapapagalitan ko talaga yan si Yuan! medyo natawa naman ako dun sa huling sinabi ni Tita haha
Wala po yun Tita! Hindi naman po iba sakin si Mccoy kaya willing po akong alagaan siya anytime. Kayo po kamusta?
Ang swerte pala ng anak ko dahil sayo iha! Ah okay naman ako, papunta na rin ako sa work eh. Pasabi na rin kay Yuan na magtext o tumawag agad sakin paggising niya ha?
Hindi naman po masyado hehe. Ingat po kayo! Okay po, sasabihin ko po agad sakanya.
Sige, salamat iha. Bye!
Bye po.
call ended
Bumaba muna ako para mag prepare ng breakfast sa kitchen for Mccoy. Siguro magigising na rin naman yun maya-maya.
Pagkatapos kong magluto ay agad na akong bumalik sa kwarto.
Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko siyang tinitingnan yung mga pictures na nakapatong sa ibabaw ng maliit na table sa tabi ng kama ko.
Oh gising kana pala. napatingin na siya sakin at ngumiti pero hindi ko iyon pinansin
Kumain kana para makauwi kana sa inyo mamaya. sabi ko ng hindi parin tumitingin sa kanya at nilapag ko yung tray sa kama
Lalabas na ulit sana ako ng kwarto pero nagsalita siya..
Ikaw ba nagluto nito? tanong niya kaya napatigil ako sa paglalakad
Ah hindi. Si Manang nag prepare niyan -- sabi ko nalang kahit ako naman talaga ang nagluto -- Nga pala, mag text o tumawag ka na agad sa Mom mo ngayon, nag-aalala yun sayo kagabi pa.
Tuluyan na kong lumabas ng kwarto at sa wakas, nakahinga na ako ng maluwag. Grabe hindi ko kinaya yung awkwardness sa loob!
Matatanggap ko na sana yung kalokohang ginawa niya kagabi, kaso naalala ko nanaman yung isa pang ginawa niya kaya naiilang akong kausapin siya.
flashback
Ginising ko pa yung driver namin sa kwarto niya para matulungan ako sa pag-alalay dito kay Mccoy at madala sa kwarto ko.
Thanks kuya. Sige, matulog kana ulit. sabi ko bago siya lumabas ng kwarto
Inayos ko ng higa si Mccoy sa kama. Inalis ko na rin yung damit at sapatos niya maliban sa pants niyang suot. Kumuha ako ng face towel at binasa ko ito para mapunasan ko siya.
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...