Maris' POV
Sinabi sakin ni Nikko na naiwan ko daw pala yung libro ko sa van na sinakyan namin kanina at si Mccoy daw muna ang magtatabi. Lokohan ba 'to? Pero hayaan na nga!
Natulog na lang ako sa plane kase wala pa kong tulog simula kahapon. At wala rin naman akong magawa tapos lowbatt pa yung phone ko. Hay buhay!
Few hours passed, hello Manila na ulit ang buong barkada este hindi nga pala buo kase wala si Janella at Mccoy hehe.
Wait guys, pano nga pala tayo uuwi? Hindi natin kasama si Mccoy so walang van na susundo satin. sabi ni Karen na parang worried pa
Edi magkanya-kanya tayo ng taxi problema ba yon! singit naman ni Carlo na masyadong seryoso
Ops! Bilin ni Mccoy, ingatan namin kayong girls kaya nagtext siya sakin na pinapasundo niya tayo don sa driver niya. Sabay-sabay na daw tayong lahat. deretsong sabi ni Paulo saming lahat
Omg savior talaga si bangus! Swerte natin! natutuwang sambit ni Jane at nakipag apir pa si Sammie at Karen sakanya kaya napangiti nalang ako
Napansin ko namang napailing nalang si Carlo na malapit sa side ko.
Oh ayan na yon diba? napatingin kami sa direksyon na tinutukoy ni John which is yung van na nina Mccoy
Orayt let's go! ang hyper nanaman nitong si Nikko haha
Mygahd kuya buti sakto yung dating niyo! sabi ni Sammie nang bumaba yung driver para tulungan kami sa mga gamit namin
Bigla namang nagsalita si Paulo mula sa likuran namin..
Pre anong trip mo dyan? pagbibiro pa niya kay Carlo kase nakatayo lang siya at hindi kumikibo
Hindi ako sasabay, susunduin ako ng sarili kong driver. sagot niya ng naka poker face
Baka mamaya pa yon, sumabay kana dito! pamimilit naman ni John
Hindi na pre, kaya ko naman. Una na kayo. sumakay na ko sa van kasunod ng ibang girls at naiwan pa sa labas yung boys
Sis ano, kamusta ka? tanong agad sakin ni Jane pag upo niya sa tabi ko
I'm okay, don't worry. simpleng sagot ko at ngumiti
Paanong hindi ako magwo-worry sayo? Sobrang complicated kaya ng situation niyo! At pano nalang pag nalaman na ni Janella. Nako, malaking gulo yan sis sinasabi ko sayo! umiling-iling nalang siya pagkatapos niyang sabihin yon
Napabuntong-hininga nalang ulit ako.
Hindi rin nagtagal ay, pumasok na yung boys sa loob nitong van maliban kay Carlo.Di na talaga sasabay yon? pagtukoy ni Karen kay Carlo at tumango nalang si John
Maris, kamusta? tanong din ni Paulo sakin
Teka, magkakasama naman tayo ah bakit niyo ko kinakamusta? pagbibiro ko pa tas napakamot nalang sa ulo si Paulo
Hay nako patay malisya pa si girl! sabi ni Nikko in a gay tone kaya natawa ang lahat
Pero Maris seryoso, ano ng plano mo? tanong naman ni John kaya nakatingin na silang lahat sakin ng seryoso
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita..
Sa totoo lang guys, hindi ko rin alam. Masyadong mabilis yung mga pangyayari. Nagsimula kay Mccoy hanggang nakisali pa 'to si Carlo tapos panigurado mag iiba tingin sakin ni Janella pag nalaman niya 'to. napatungo nalang ako pagkasabi ko niyan
Anong gagawin ko? mahina kong tanong habang nakayuko parin at naramdaman kong niyakap ako saglit ni Sammie na katabi ko rin
Sa tingin ko -- pinutol ni Karen yung sasabihin sana ni Nikko
Magtigil ka muna Nikko seryosong usapan 'to! pagtataray ni Karen
Masyado ka namang judgmental! Seryoso yung sasabihin ko, pinutol mo lang.
Osige nga, anong sasabihin mo? -Jane
Sa tingin ko, hindi pa time para malaman ni Janella yung nangyari. Oh ayan ha! pagyayabang pa niya
What? No! She needs to know what's happening ASAP, pag pinatagal pa natin baka lalo lang siya magalit. pagtaliwas naman ni Sammie sa advice ni Nikko
Eh sigurado namang magagalit parin siya pag nalaman na niya ngayon. Kaya dapat humanap nalang muna si Maris ng tiyempo para masabi niya. opinyon naman ni Paulo
Hindi hindi! Mas tama yung sinabi ni Sammie na malaman agad ni Janella ngayon. Expected na naman kase na malaking gulo 'to so anong point kung patatagalin pa natin diba? -Karen
Hindi naman patatagalin eh hahanap lang ng right timing para masabi kay Janella! sabi ni John
Wait nga lang guys, lalong gumugulo eh! Siguro, hayaan nalang muna natin makapag-isip pa ng maayos itong si Maris. Suportahan nalang natin kung anong magiging plano niya. Alam naman nating lahat na hindi madali yung mga nangyayari ngayon diba? Let's just give her time to decide. Kilala natin si Maris, sobrang tapang at palaban yan, marunong mag isip at siguradong gagawin niya kung anong tama at makakabuti sa lahat. dere-deretsong sabi ni Jane at nagsi-tango nalang silang lahat sa sobrang speechless siguro
Hinawakan naman ni Jane yung kamay ko, Basta sis, if you need anything nandito lang ang barkada para sayo. Kakampi mo kaming lahat promise hindi ka namin iiwan sa ere.
She's right! Love na love ka namin. pag sang-ayon ni Sammie
Anytime, anywhere, wag kang mahihiyang lapitan kami. sabi naman ni Karen
TAMA! sabay-sabay namang sigaw nung boys at medyo natawa kami don haha
Uhm, may isa pa pala tayong problema guys. pahabol pa ni Paulo kaya napatingin kami sakanya
Si Carlo at Mccoy. Baka maunahan nila si Maris magsabi kay Janella. sunod niyang sabi kaya nagkatinginan kaming lahat
Hala p*ta! sigaw ni Nikko na may pagtakip pa talaga sa bibig niya
Hoy bunganga mo naman pre! pagsuway ni John kaya nag peace sign siya saming lahat
Boys, I think misyon niyo na yang tungkol don sa mag brad. -Sammie
Oo nga, sa inyo lang sila makikinig kaya sana kausapin niyo agad yung dalwa about dyan para siguradong safe. -Karen
Tumango naman yung tatlong boys bilang pag sang-ayon.
Guys, sobra kong naa-appreciate lahat ng tulong na ginagawa niyo sakin. Sorry kase pati kayo nadadamay pa sa mga katangahan ko. Aaminin ko, nalulungkot at nasasaktan ako sa sitwasyon namin nina Mccoy ngayon, sino ba namang hindi diba? Ewan ko nga ba kung bakit ako napaamin ng wala sa oras! Pero umaasa ako na sooner or later maaayos din lahat ng 'to. Kaya thank you sa inyo kase kayo yung nagbibigay ng lakas ng loob sakin para harapin yung problema. Promise babawi ako sa inyo. Hindi man ngayon, pero babawi ako. tiningnan ko silang lahat sabay ngiti
Isang group hug nga dyan! sabi ni Nikko
Ulol paano? Kita mong nasa sasakyan tayo. -Paulo
Tsaka na yang group hug na yan Nikko makakapag-antay yan! natatawang sabi ni John
I'm so thankful to have this people around me, thank you Lord for giving me friends/family like them. I still feel blessed! Hihi.
------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
The Choice
FanficSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...