Mccoy's POV
Isang araw ng nakalipas simula ng bumalik ang mga kaibigan ko sa Manila.
Time check: 1:47am
Halos dalwang oras na akong nakahiga dito sa kama pero hindi parin ako makatulog. Sobrang dami ko parin talagang iniisip hanggang ngayon. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.
Kanina lang, sunod-sunod na nag message sakin sina Paulo, Nikko, at John. Pare-parehas lang sila ng sinabi. Na nag message daw sa kanila si Maxine at tinatanong kung ano ng balita sakin.
Sinabi nalang daw nila na nagpaiwan ako dito sa Cebu dahil sa pinsan kong si Migs. Sinabihan din nila ako na kausapin ko na si Maxine pero wag ko daw muna babanggitin yung tungkol sa nangyari samin nina Maris.
At hanggang ngayon, hindi parin ako nagpaparamdam kay Maxine. Hindi ko alam, pero para kasing may mali sakin. Hays ewan!
Sa kalagitnaan ng pag iisip ko, biglang tumunog nanaman yung phone ko at alam kong si Maxine yon.
Kinuha ko agad ito at tama ako, siya nga.
Cutie Pie/Babe: Hi babe, are you still awake? If yes, can you please reply to me naman? Gusto ko ng umuwi ulit sa Manila kung ako lang ang masusunod. I miss you soooo much. I love you :*
Dalwang araw ko na siyang hindi kinakausap. Naiinis na nga ako sa sarili ko kase nagagawa ko siyang tiisin ng ganto. *sigh*
Half an hour passed. I decided to give her a message but she's already offline. Pero alam ko namang mababasa niya agad 'to kaya tinuloy ko parin.
Me: Uhm, hi! Seriously, I don't know where to start but I want to apologize for what I've done. I'm really sorry Maxine. Hindi ko rin talaga alam kung anong nangyayari sakin ngayon. Ang dami kong naiisip pero hindi ko magawang i-express kahit kanino yung nararamdaman ko at isa yon sa main reason kung bakit ako nagpaiwan dito sa Cebu. I think I just need more time to think kaya dito muna ako for one week siguro. Gusto ko pang mas makilala ang sarili ko ngayon. Alam kong naging selfish ako kase hindi ko agad na-realize na may mga taong naaapektuhan dahil sakin. Sa ngayon, maraming bagay na hindi ko alam kung sigurado ako. Sana maintindihan mo. I'm sorry ulit. Matutulog na ko. Magpahinga kana din.
Pagkasend ko non ay natulog na talaga ako. Bukas ko nalang aalamin kung ano mang irereply niya.
Kinabukasan...
Lunch time na ko nagising. Finally, nagkaron na ko ng maayos na tulog.
Chineck ko agad phone ko pero ayaw mabuhay kaya chinarge ko nalang muna.
Dumeretso nalang muna ako sa cr para maghilamos at mag toothbrush. Maya-maya nakarinig ako ng kumakatok..
Bro? Papasok ako ha! rinig kong sabi ni Migs
Sige lang bro, dito lang ako cr. sagot ko naman
Narinig ko namang nagbukas na yung pintuan ng kwarto habang nasa loob pa ko ng cr.
Paglabas ko...
BRO! ANONG GINAGAWA MO? kinuha ko agad yung phone ko na pinakialaman niya pero siya nagtatawa lang
May message na chick mo bro kanina pang 5am ata. Replyan mo naman HAHAHA
Tiningnan ko naman yung phone ko at may message nga si Maxine.
Wala akong chick bro! GIRLFRIEND ko 'to. pag kase "chick/s" hindi sineseryoso -_-
Sus ikaw pa! Wag ako bro! natatawa niyang sabi sabay lakad palabas ng kwarto at napailing nalang ako
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...