First.

1.3K 23 24
                                    

[ Jaemin ]

Nasanay ako sa tahimik na tipo ng pamumuhay. Yung tipong school at bahay lang ang pinupuntahan. Yung tipong puro assignments at projects lang ginagawa ko sa gabi after ko kumain at bago matulog. Yung tipong kain tulog at aral lang inaatupag tuwing weekends. Yung tipong papasok ako sa school para mag aral hindi lang dahil sa baon o magkaroon ng mataas na grade.





Pero nabago ang lahat ng dumating siya sa buhay ko. I mean, he is always there. He is a famous student. He is one of the most handsome guy and most- basta siya yung magaling. Magaling siya sa soccer, magaling siya mambola ng mga babae, magaling siyang mang asar at kung ano ano pa. Ano pa ba aasahan ko sa isang tulad niya? Anak siya ng mismong alkalde ng lugar na to na siya ding nagmamay ari ng school namin. Ang balita nga daw ay sa kanya na daw ang school na to dahil iisang anak lang siya.


Kaya spoiled siya lagi. Kung nasasangkot siya sa gulo ng school na to, naeexpel lagi yung kaaway niya dahil nga hawak daw niya ang desisyon para sa school na to. Kaya walang may gustong kumalaban sa kanya sa school na to.


Marami pa siyang kalokohan sa paaralang ito. Mabuti nalang minsan, pag sumusobra na siya, kahit na magwala pa siya nanay niya pa din na mismong Executive Director ng school na to ang magpaparusa sa kanya.

Well, di naman siya ganun kalala. Mahilig din naman siyang mag aral. Hindi siya nakakapasok sa top 10 every semester pero hindi naman ganun kababa ang grade niya. Hindi naman siya paborito ng mga teachers namin kasi active din naman siya sa recitations, at marami din siyang nakukuha sa exams and all. Maliban din kasi sa pagiging rookie soccer player niya, madalas siyang isali sa mga competition na malamang ay nakakatulong sa grades niya.

May dalawa siyang kaibigan din na mukhang mas okay kesa sa kanya. Yung isa, mahilig mang asar gaya niya at magaling mangpikon lalo sa mga babae. Siguro doon niya natutunan mang asar kasi lakas makaasar eh. Yung isa naman, mabait. Mala anghel daw sabi ng mga girls nila.

Sanay naman ako sa ingay na dulot niya at ng mga kaibigan niya. Kaklase ko sila pero ayoko lang kasi pag ako ang nakikita nila.



Kasi ayokong asarin nila ako. Ayoko ding tinatapunan ako ng mga iba ng mga tingin na diko din magugustuhan.

Kasi ayoko ng gulo.



Kaso malas lang talaga ako dahil ako ang nakita ng tadhana.



Ako ang gusto niyang pagdiskitahan ngayon.



"Hoy Nana. Ano ha? Tutunganga ka lang ba diyan?" Namulat ako sa reyalidad ng marinig ko ang pagbubunganga ni Renjun sa akin habang nakapamewang ito.

Napansin kong nagsisialisan na pala mga kaklase namin sa silid.

Pero nakita ko siya na nasa unahan habang busy sa pagtatype at yung dalawa niyang kaibigan ay nagtatawanan sa harap niya.






"Oo na nga kasi." Sagot ko kay Renjun sabay tayo ko mula sa upuan ko.

"Nagugutom na ako eh. Asan na ba si Chenle? Nasa kanya yung baon ko eh." Narinig kong sabi niya habang paalis kami ng classroom.



Ewan ko ba kung bakit ko naisipang lumingon sa kanila. Nagulat lang ako ng nakatingin na silang tatlo sa amin.




Buti sana kung tingin lang. Eh kaso, nakangisi siya.



"Dali na, Renjun. Gutom na din ako." Umiwas ako ng tingin at nagmadali pero nagsalita yung isa kaya tumigil kami ni Renjun.

"Sandali lang! Wag muna kayo umalis!" Napalingon kami sa kanila, habang palapit sila sa amin.


Si Haechan nga pala yung nagsalita. Boses palang niya, alam mo na may di siya magandang biro.



"Nagugutom na ako eh. Puwede next time nalang?" Ramdam ko ang takot ni Renjun sa kanila kaya napaisip ako ng dapat sasabihin.




Ayaw kasi ni Renjun na inaasar siya ng mga ito. Maliban sa puwede siyang mapahamak, ay magagalit sa kanya ang parents daw niya.


"Hindi. Sandali lang to." Jeno tapped his shoulder and then he glanced at me after.



Parang nahirapan akong huminga ng bigla siyang kumindat sa akin.


"Lets play a game first." He said at naglakad papunta sa pintuan at isinarado iyon.



Nagkatinginan kami ni Renjun. Napahinga lang ako ng malalim dahil mukhang wala na kaming choice.


"Easyhan niyo mga bro." Tumawa naman bigla si Mark kaya mas lalo akong kinabahan.


"Ganito. Kilala niyo sila Hina at Yiyang? May mga allergies sila sa maanghang. So dahil malapit na ang lunch break, kailangan na nating magmadali." Haechan told us sabay abot ng dalawang sachet ng spicy seasoning na nakabukas na sa amin ni Renjun.



Silly yet not funny jokes.





"Hindi ito magand-"
Aangal pa sana ako kaso bigla lumapit si Jeno sabay hugot ng written output ko ng english mula sa folder ko.

"Hindi siguro mas maganda kung makikita mo kung paano masusunog ito diba?" Sabi ni Jeno.




Ang bully talaga nila. Mukhang wala na talaga kaming choice.



"So kakausapin namin ni Jeno yung dalawa tapos kayo buksan niyo yung lunch boxes nila mula sa bag nila. Nasa may Laboratory Room yun, alam niyo naman siguro mga bag nila diba?" Haechan explained.

Nagkatinginan lang kami ulit ni Renjun.

"Fine." Renjun rolled his eyes afterwards na mukhang di napansin ng tatlo na nagtatawanan na habang kinukuha ang mga bag nila.



Ng makapunta kami sa room, agad na niyaya nung tatlo yung dalawang babae at kami ni renjun naman ay sinimulan na ang dapat gawin.


Matapos iyon, dali dali kong nailagay yung sachet sa may gilid ng bag ko, dahil di ko naman iyon inubos dahil naaawa ako kay Hina. Dumating din kasi agad yung Chemistry teacher namin.

Naramdaman ko bigla ang pagtabi ni Herin sa akin kaya nilingon ko siya.

"Please bring your pen and handouts." Our teacher asked kaya kinuha ko ang handouts at ballpen ko.

"Pahiram ako ng ballpen mo oy." Sabi ni Herin na bagaman di ko pa pinapayagang magkalkal sa bag ko ay hinahalungkat na ang gamit ko. Pinabayaan ko nalang siya at napalingon ako kay Renjun na katabi na si Chenle at kung may anong sinusubo.








Pagkain yun siyempre. Wag nga kayong green. Pagkain lang naman ang sinusubo eh.






Nagutom tuloy ako bigla.



"Heto na ang magic ballpen hohoho." Pagmamalaki ni Herin sa harap ko ng makuha niya ang isang black pen ko.

Ng magsimula ng magdiscuss si Maam, bigla akong siniko ni Herin.

"Diko alam na mahilig ka pala sa maanghang, Jae." Wika niya.

"Ano?" Sandali akong naguluhan sa sinabi niya.



At ng mawari ko, medyo kinabahan ako.



Kasi diko alam ang sasabihin sa kanya.



I mean, hindi ako masinungaling. At magtataka siya pag sinabi kong hindi ako mahilig.



Hindi ba?


Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon