Sixth

317 15 17
                                    

"Kaurat naman yang nanay ni Hina. Tsaka teka. Punong puno ng pictures mo kuwarto? Artista ka na pala. Its unbelievable." Komento ni Chenle habang kumakain kaming apat sa cafeteria, lunch break.




Katabi ko si Jisung, habang kaharap ko si Chenle at katabi niya si Renjun.





Kinukuwento ko kasi yung nangyari sa akin sa Psychologist's office ng school kanina. Eh ayun, kahit sarap na sarap sila sa pagkain, tuloy padin ang konbersasyon namin tungkol dun.




"Puwede namang maging katotohanan yun. Baka nga sobrang obssesed sayo yung babae." Dugtong ni Renjun. Tinapunan lang siya ng tingin ni Chenle.




"Paano ba nangyari lahat ng to? Saan ba nagsimula?" Tanong ni Jisung.




"Nagsimula lahat nung blinackmail kami nila Jeno. Nakakagulat nga ang biglang pag approach nila samin eh. O baka talagang gusto lang kaming pagdiskitahan." Wika ni Renjun.




"Ang ipinagtataka ko, bakit si Herin .. I mean, bakit niya yun ginawa? Kaibigan niya yun. Bakit siya magsasalita ng ganun para lang tigilan ako ni Hina? Para sakin, hindi sapat na rason yung dahil lang sa di ako komportable kay Hina." Sabi ko.




Nagkatinginan kaming apat sa katahimikan.









Natigil lang yun ng biglang pumasok ang ilang miyembro ng soccer team habang nagtatawanan sila, at nakasuot pa ng soccer uniform nila na may nakasabit na face towel sa mga balikat, at halatang kagagaling lang sa soccer practice nila. Medyo pawisan sila, pero di naman ganun ka gross tingnan. Titig na titig nga sa kanila ang ilang mga babae eh.





Agad na nasulyapan ko siya sa likod, kasama ni Jaehyun Jung, last year's MVP ng soccer team.




Mga siyam yata sila. Kilalang kilala sila sa school na to kasi alam niyo na. Team captain nila si Taeil, na siyang pinakakilala talaga sa larangan ng sports. Kabilang din sa kanila ang pinsan ni Jeno na si Taeyong, na nasa higher section ng block nila. May tatlo itong kaibigan na kasama din niya sa soccer team, Yuta, Johnny at Doyoung. Kilala silang apat sa pagiging suplado sa school na to. Maliban sa di sila namamansin, pili din ang kinakausap nila. Ewan ko ba kung bakit ganyan mga ibang tao rito.

Yung dalawa pang natitira naman ay si Kun at Sicheng. Hindi ko sila ganun kakilala pero ang sabi nila Renjun noon, hindi sila magandang kaibigan. Mahilig din daw sila mambully basta napagdiskitahan nila.




Si Jeno talaga ang pinakabata sa kanila.


Dumiretso sila sa may mahabang lamesa at iyon ang inoccupy nila.





"Yayabang." Narinig kong singhal ni Jisung. Natawa tuloy ako sa kanya.



"Totoo namang mayayabang ang mga yan. Mga mayayaman lang eh." Sang ayon ni Chenle.




"Bat ikaw? Mayaman ka din naman ah." Siniko siya ni Renjun.




Napairap tuloy ang bata.




"Tara na nga lang. Baka mamaya, umapoy pa kayong dalawa dyan." Sabi ko at hinigit ang bag ko mula sa upuan.




"Mabuti pa nga." Nagsitayuan na din sila.





•••
[ J E N O ]

"TIME OUT!"

Late afternoon practice. Medyo nakakapagod pero okay lang naman. Maliban sa medyo sumasakit ang ankles ko, medyo namumula din yung buong katawan at mukha ko dahil sa init.




Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon