"May pasok ba talaga?" Narinig kong tanong ni Renjun sa isa naming kaklase habang binabasa ko ang notes ko.
"Ewan ko eh. Hinihintay lang ang memo kung totoong may holiday." Narinig kong sagot ng kaklase namin.
"Teka at magtatanong ako sa labas. Wala yung mga soccer players eh." Wika ni Renjun sabay takbo palabas.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa para sa advance review-ing for exam next week.
Totoo ngang wala si Jeno. Siguro may practice sila.
Ibinaba ko ang reviewer ko sa desk ko at napatingin sa paligid. Karamihan ng kaklase kong babae, nagdadaldalan at nagkukumpulan sa isang dako, habang yung iba natutulog sa desk nila, palakad lakad at iilan lang ang nagbabasa ng handouts nila.
Nakita ko si Amber habang titig na titig ito sa kamay niya, particularly sa may ring finger niya. May kumikislap kasi itong singsing na suot. Ewan kung singsing lang niya na binili yun o regalo sa kanya.
Nahagilap din ng mata ko si Mark at Haechan na kasama si Herin habang nakatayo silang nagkukuwentuhan malapit sa may pintuan.
At si Koeun na mag isa sa upuan niya at nakakunot ang noo.
Ibinalik ko nalang ang atensyon sa binabasa ko. Ang boring din talaga pag walang teacher.
Sakto, nakabalik na din si Renjun at naupo sa tabi ko.
"Wala ngang teacher ngayong umaga at hapon. Pero may pasok pa daw so buong araw tayong nandito dahil di puwedeng lumabas hanggang alas tres." Paliwanag nito.
"Boring na nga eh." Sabi ko naman.
"Puntahan natin sila Chenle?" Suhestiyon niya. Tumango naman ako dahil ayoko din naman sa loob ng silid na to.
Dumiretso kami sa Choir room at nag abang kami sa labas ng room habang pinakikinggan ang practice nila na galing sa loob.
Malapit kasi iyong daan papuntang field din doon kaya diko maiwasang lingunin kung nandun ba si Jeno o ano.
Pero nakita kong may soccer practice.
But not like the other day, na walang nagbabantay na game personnel at may dayong team ang kasama.
"Mukhang may iba sa inyo ni Jeno ah." Naulinigan ko si Renjun na nang aasar.
Liningon ko lang siya. "Mabait naman siyang tao."
"Mabait lang siya sayo. Pero sabagay, halata namang interesado talaga siya sayo." Ngumiti ito.
"Wag ka ngang ano dyan." Wika ko.
"Eto naman, masyadong defensive. Mabuti nga at mabait siya sayo eh." Tumawa ito.
Aba. Di ata siya titigil.
"Eh ano naman?" Tanong ko.
"Wala. Parang ano din kasi .... Samin ni Chenle." Bigla niyang sabi kaya napaharap na ako sa kanya.
"Oh bakit? Nag aaway kayo?" Tanong ko.
"Hindi noh." Tumawa siya bigla ng mahina.
"Ano nga?" Nakangiti kong tanong.
"I feel jealoused kasi minsan pag masyadong madikit sila ni Jisung. Eh alam mo na, bestfriend ko siya diba? Parang di lang ako sang ayon minsan pag masyado na silang close." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Overplay || Jaeno
FanfictionFind out how and why would a soccer player yet school's heartthrob choose a smart commoner over those sexy and hot girls around him.