Thirty Second.

289 16 8
                                    

Sabay sabay na kaming umalis nila Mark, Renjun at Herin papunta sa kabilang City School kung saan gaganapin ang Mapeh Festival. Siyempre may sariling service ang Academy Choir members, dancers at Athletes. At kailangan nila ng support namin kaya kami pupunta.











Mananalo kaya sila Jeno? I was a bit nervous.





"Ang laki ng school nila." Herin said amazed pagkapasok namin sa gate nila.





Punong puno ng banderitas at ang daming nakadesinyo sa buong paligid. Halatang festival.





Ang ilang estudyante naman nila ay sumasalubong at nagba-bow pa bilang pangwelcome sa gaya naming dayo.



"Ano ba una nating pupuntahan?" Tanong ni Renjun.



"Sa Gymnasium. Thanksgiving Mass. Nandun lahat ng schoolmates natin." Mark answered and so we looked for it na nasa malapit lang pala.



Tahimik lang ako pagkapasok namin sa Gym, ang laki kasi nito at nakatingin samin ang ilang school students.



Napangiti ako ng makita ko si Jisung, na nasa denim customes niya at kausap si Amber na nakasexy mini skirt pa at medyo mataas ang damit niya. Napansin kong titig na titig iyong ilang lalaking dancers ng kabilang school sa kaniya. Gandang babae eh.




Hinahanap ko si Chenle ng iba ang mahagip ng mata ko. Si Jeno na kausap si Haechan, na nakapangchoir costume na din.




Nasaan na naman si Chenle?





"Sino hinahanap mo?" Siko ni Mark sakin.

"Si Chenle." Wika ko.



"Lapit tayo sa kanila." Sabi niya saka siya naglakad kaya sumunod nalang kami sa kanya.



Ayaw ko sanang makita muna ako ni Jeno pero nagtama na ang tinginan namin kaya napangiti nalang ako.



Ng magsimula na ang mass, tahimik lang ako habang katabi ko si Mark at Renjun. Katabi din ni Mark si Jeno kaya di ako masyadong nababahala.





Not until umalis si Mark, at binakante ang upuan niya sa gitna namin ni Jeno.



Pagtingin ko dito, nakita ko si Jeno na nakasmirk sakin.



"Usod ka dito." Sabay nguso niya sa direksiyon nung upuan.



Talaga naman.







Wala na akong nagawa at tumabi na sa kanya.





Naamoy ko na naman yung pabango niya na talagang nagpapakilig sakin pag naalala ko yung panahong ang lapit lapit ko sa kanya.



"Remember the deal." He said smirking.



"Oo na nga." I smiled.



Bahagyang pinatayo kami para sa isang prayer kaya naudlot ang pag uusap namin ni Jeno.




Naramdaman ko bigla ang paghawak niya sa kamay ko sa pagitan namin at pinisil pa niya ito habang nagdadasal ang pari sa may harap ng Gymnasium. Napangiti ako ng sandali bago niya ito ulit binitawan pagkatapos ng prayer.




Hindi naman kami ganun na nag usap ni Jeno habang nangangaral ang pari, tahimik nga lang siya. Pero okay lang naman siya kasi nakangiti siya.




Palihim nga niyang pinipisil ang hita ko saka siya ngingiti kaya ako pasimple ding kinukurot siya sa braso niya.






After ng Mass, tinawag na sila para sa isang mabilisang game plan meeting. Pati na din members ng dance club at choir ay tinawag na kaya nagsialisan na din kami dahil sa mismong School Plaza gaganapin ang competition nila.



Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon