Twelfth

294 14 12
                                    

Mga five hours din akong nagserve sa Coffee Shop. Hindi pa sana ako mag a out kasi enjoy ako sa trabaho with Yeri and Yeol pero kailangan kasi may pasok pa bukas.


Mga alas diyes na nung nagpaalam na akong umalis habang may nabiling two cups of white coffee. Hindi pa kasi umuuwi kanina si Jeno at ang dinig ko sa sabi niya kanina, di daw siya uuwi ng bahay nila ngayon.





Problema na naman dahil kasama ko na naman siya dito.





Pero may karapatan ba akong umangal? Bahay niya to e.



Pagbukas ko ng pintuan, diko siya nakita sa kama. Inikot ko naman ang buong kusina at banyo wala pa din ito.




Akala ko ba di yun uuwi?







Napatingin ako sa kapeng hawak ko.





"My goodness." I uttered.



Ipinatong ko na lang yun sa mesa at dumiretso sa banyo upang magpalit ng damit.



Paglabas ko, narinig ko ang pagring ng telepono sa loob ng bedroom kaya tumakbo ako papunta dun at sinagot iyon.



"Pagbuksan moko." Wika niya at sa boses palang niya alam kong siya na yun.



Ibinaba ko ang telepono at pinagbuksan siya ng pinto saka naman ito pumasok.


Nakapajama naman ito at nakablack hoodie. May dala siyang bag niya saka siya sumalampak sa kama.



"Saan ka galing?" Tanong ko.

Tiningnan naman niya ako. "Sa bahay."



Napatitig naman ako sa kanya habang may ginagawa siya sa cellphone niya.



He's unbelievable! Nanggaling siya ng bahay niya na ganyan ang suot? Sabagay, baka nakakotse siya nun.



Dumiretso nalang ako sa kusina at kinuha ang kape para ibigay sa kanya.


"White coffee." Sabay abot ko sa kanya.

"Ohh." Tumingala siya sabay abot nun. "Salamat." Ngumiti siya.


Di na ako gumanti ng ngiti pero dumiretso ako sa kusina para magluto na ng pang dinner.




At sa sobrang dami ng choices na puwedeng lutuin, diko alam ang lulutuin talaga.




Every hapon ba namang maghatid iyong mga maids sa baba ng sari-saring gulay, at pagkain at kung ano ano pa.



Eh sa di na nga ata ako nakakainom ng tubig dahil puro gatas at fruit juices nang ipinapainom sakin.


"Anong lulutuin mo ba?" Bigla namang sumulpot sa likod ko si Jeno na tinitingnan pala ako habang nakatingin ako sa lamang ng fridge.

"Wala akong maisip sa dami nito eh." Sagot ko.

Nakita ko siyang uminom ng kape niya bago sumagot. "Alam mo ba yung beef steak?" Tanong niyo.


"Oo. Gusto mo ba nun?" Tanong ko.

Tumango tango naman siya na parang naexcite pa sa tanong ko.


Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon