Twenty Fourth.

310 17 30
                                    

Miyerkules. Isang di napakahalagang araw para sa akin.




Tapos na Final Exam, at completion of requirements nalang except sa English. Customized Chemical Elements Board para sa Chemistry, Sphere and Cylinder figures para sa Math, at yung ilang essay compilations para sa mini-major subjects. Mabuti na nga lang at tapos ko na lahat ng ito at wala na akong gagawin.



Dahil na din sa tapos na ang exam, maghihintay lang kami ng result. Clearance is not a problem anymore sa kadahilanang pag hindi ka naman magtatransfer sa ibang school ay ang buong class associate na ang bahala sa papers mo. Siyempre, babalik nalang kami ng enrollment next next week para magbayad ng fees. This is the best thing here in this school. Siyempre, wala naman masyadong bumabagsak dito at kung meron man ay gagamitin ang one week break niya para itutor siya at magremedial before the enrollment. Halos lahat naman ng estudyante, kahit medyo tarantado yung iba eh, nag aaral ng mabuti.






Competition nga kasi ang lahat sa school na ito.





Pero feeling ko nanganganib ako sa rank ko ngayon. Importante sakin yun, dahil sa rank ko nakasalalay ang binabayaran ko. Aba, wala akong pera diba?




Pero nakuha ko na kahapon half of my first month's salary ko sa coffee shop. 10K. Ikekeep ko yun para sa next semester.





"Very well, Jaemin. Ikaw unang nagsubmit ah." Maam Ianna, our Chemistry teacher said pagkabigay ko ng project ko sa kanya. Nginitian ko lang siya.









Oo, maaga palang nagpass na ako. Hahanapin ko nalang si Renjun dahil alam kong parating na iyon.



"Jaemin." Napatawag si Maam sakin bago ko pa man nahawakan ang door knob paalis ng silid.

"Po?" Lumingon ako.



"Totoo bang nagtatrabaho ka sa isang coffee shop pag walang pasok?" Sabi niya sabay tingin sakin.



"O-opo." Sagot kong medyo nag alangan.



"At gumagawa ka ng handmade teddy bears nun para sa tuition mo?" She asked again.



I nodded.





"That's how you survive your life right?" Tanong pa niya. Tumango ulit ako.




"So where's your parents or guardians?" She asked again.






Ngumiti ako."Hindi ko na po nakilala ang mga magulang ko dahil sa orphanage po ako lumaki."



"Oops. Ganun ba? Sorry." She said pero tumawa lang ako ng mahina.

"Okay lang yun, Maam. Tanggap ko naman yung nangyari sakin eh." I smiled.



"Hmm okay. Sige, makakaalis ka na hijo." Ngumiti ito kaya nginitian ko nalang siya.




Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla itong bumukas, at iniluwal nito si Renjun, dala ang project din niya kaya nagkagulatan kami. Natawa ako pagkatapos.


"Hintayin na kita sa labas." Wika ko saka naman ito tumango at lumabas na ako.



Panandalian lang din siya sa loob at pagkalabas niya ay dumiretso kami sa cafeteria para kumain. Hindi daw kasi siya nag agahan sa kanila eh.


"Ang aga mo ah. Naibigay mo na lahat ng outputs?" Tanong niya habang kumakain.


"Oo. Ikaw ba?" Tugon ko.


Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon