Nineteenth

281 16 13
                                    

Nagising ako sa biglang pagsakit ng ulo ko at medyo mainit na pakiramdam. Ibinukas ko ang aking mata ng makita ang aking sariling nakahiga na sa kama ng condo at ang nakakapagtaka ay nakapalit na ako ng damit pambahay ko.








Teka teka, anong nangyari?












Ang naaalala ko, nasa coffee shop pa ako nun.







Tapos ano na ulit nangyari?







Bigla bigla, may narinig akong paparating na footsteps mula sa dining area.






"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya habang may hawak na coffee cup na mukhang galing sa coffee shop.


Bumangon naman ako at naramdaman ang paglapit niya.







Naalala ko bigla iyong si Koeun at yung nakita ko kaninang tanghali.









"Bigla kang nagcollapse kanina pagkapasok mo sa pinto. Sa sobrang panic ko, tinawagan ko ang personal doctor at pinatingnan ka. May lagnat ka nga at kailangang mong magpahinga." Naupo naman siya sa tabi ko saka ako nginitian.





"S-salamat. Naistorbo pa kita." Usal ko.



"Wala naman yun sakin." Bigla niyang hinawakan ang ulo ko.



"Ang importante ngayon, bumababa na ang init ng lagnat mo." Ngumiti siya ulit.










And im dying right now.







"Sige." I looked down at my hands.




"Siya nga pala. Ipinalaba ko na sa laundry maids sa baba yung mga damit mo. Wag ka ng maglalaba, sila na gagawa nun para sayo ha?" Wika sabay tayo.






Teka ano?





"Sino palang .... Nagpalit ng damit ko?" Nakakahiya man ay kailangan kong tanungin iyon.





Ngumiti ito. "Ako."









ASDFGJBCEJOLMCKKLLVSWJBZAJNAVFTBSCJSXRSKIXFIG-






Gusto ko ng lamunin ng higaang ito ngayon. NAKAKAHIYAAAAAAA!









Pero kailangan kong kalmahan ang sarili ko.




"J-jeno . " i called.





Bigla naman itong lumingon at linapitan ako.









Kinabahan na naman ako.









"Ano yun?" Naupo siya sa kama at hinarap ako.






Ano na ulit yung sasabihin ko?







"Uhm .." Putek yan.





Nakita ko siyang ngumiti.









"Bakit mo nga pala .... Ginagawa to? I mean .... Im just a nobody ... Kaklase mo lang ako. Kaklase mo na scholar lang ng Daddy mo kaya mo nakilala. What makes you do this things for me?" Tanong ko.



Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon