Eleventh

282 14 12
                                    

"Alis na kami!" Sigaw ni Yeri habang palabas na kaming dalawa ng Coffee Shop at sabay ng aalis papasok ng School.


8:39am. Lunes. Pangatlong araw sa Coffee Shop.


"Ingat kayo!" Nagwave lang ng kamay si Wendy kaya ngumiti lang kami.

"Tara na." She said kaya nagsimula na kaming maglakad paalis doon.


Malapit lang naman ang school sa Coffee Shop, tanaw na tanaw nga ang mismong gate nito sa condo unit ni Jeno sa taas.






Speaking of him, hindi pa siya nagpaparamdam simula nung iniwan niya ako dun nung Friday.




Tungkol naman dito sa bago kong buhay, okay naman ako. Mababait naman ang lahat and there is nothing suspicious.


"Uhm, Jaemin?" Bahagya kong narinig ang boses ni Yeri na tinatawag pala ako habang naglalakad kami. Tiningnan ko lang siya.




"Ang sabi mo, sa 7th floor ng Lee Centre Building ka nakatira diba?" Tanong niya.


Tinanong kasi nung Irene nung Sabado kung saan daw ako nakatira kaya nabanggit ko yun.



"Oo." Sagot ko.

"Ang pagkakaalam ko kasi, dyan nakatira yung anak ng alkalde eh. Si Jeno Lee?" Tanong niya ulit.

"Ah oo. Kaklase ko siya. Pinatira niya lang ako." I smiled.



"Ahh." She nodded. "Ganun." Ngumiti ito.



"Bakit?" I looked at her face.


"Im wondering kung paano niya naibigay sayo yung condo ng ganun kadali. Knowing that guy, hindi siya ganun na mapagbigay. Matagal na akong nagtatrabaho under businesses ng Lee, at kilalang kilala ko na siya. Lagi kayang nagsusuplado yan sa mga gaya kong walang pera." She laughed a bit.

Napatingin naman ako sa kawalan dahil medyo natakot ako.






Pero normal nanan siya sa school diba? Di naman siya nagsusuplado sa school diba?








"Ako rin nagtataka eh." Ngumiti ako.


"O baka nagbago na din siya." She chuckled.


Iniba ko nalang ang topic naming dalawa hanggang sa nakarating na kami. Kumaliwa naman siya sa kabilang daan dahil ibang building ang block nila.


"Jaemin!" Sinalubong ako ni Renjun sa mismong nasa harapan na ng classroom namin.


"Oh? May problema?" Tanong ko.
"Wala naman. Pero mukhang magkakaroon palang." Sabi nito na medyo balisa.


"Oh bakit?" Tinitigan ko siya pagkaupo ko sa upuan ko at pati din siya naupo na din.


"Lumipat ka pala sa unit ni Jeno, hindi mo ba alam na malaking issue yun sa mga fangirls niya?" Bulong nito.




Sandali akong natahimik at napatingin ako sa kawalan.


Bakit diko nga ulit naisip yung tungkol dun?



Bigla kong nahagip ang titig ni Koeun.



Eto na naman yung awra niyang di kaaya aya.


Liningon ko lang ulit si Renjun.


"Bahala na." Sabi ko kahit na napaka uneasy ng nararamdaman ko.



Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon