Fourteenth

275 17 5
                                    

Dahil sa sobrang basa at lamig nun, nagpasya na akong umuwi muna at naglinis ng katawan. Buti nalang at tubig yun at di kung anuman.

At mabuti na din na may reserba pa akong uniform dito.

Sinabihan ko nalang sila Renjun na hintayin ako sa mismong classroon mamaya.







Dahil na din sa nangyari, di na ako nakakain ng pananghalian pero okay lang yun kahit medyo nagugutom ako.






Hays nilalamig talaga ako dahil dun.




Siguro mamaya, mawawala na to.





Kaya ng mag aalauna na, pumunta na akong classroom namin kung saan naghihintay yung tatlo sakin.







"Okay ka na? Dinalhan kita ng pagkain o habang wala pang professor." Sabay abot ni Chenle ng burger sakin.





"Salamat." Inabot ko na yun at nagsimulang kumain.



Pero nakakapangalawang kagat palang ako ng pumasok na iyong professor namin at nakita pa akong kumakain.







Buwesit yan oo. Inilagay ko nalang sa lunch box ni Chenle iyon dahil hindi talaga allowed ang kumain sa loob.



"Mukhang madami kang inaatupag, Mr. Na ah." Sabi niya kaya natawa ang mga kaklase ko at ilang nasa loob na taga section nila Chenle sa akin. Nakakainsulto man ay di nalang ako nagsalita.





Pero biglang humirit si Renjun, "May epal po kasing di naman kagandahan ang nagsaboy ng malamig na tubig sa kanya kaninang lunch break kasi wala lang siyang magawa sa buhay niya, sir. Ayun, umuwi si Jaemin dahil wala siyang dalang ibang uniform."



Hinawakan ko ang braso niya para balaan siya pero kinindatan lang ako.





Napatingin ako sa dako ni Koeun ngunit napairap lang ito.








Hindi ko nalang ito pinansin at nagfocus nalang hanggang sa natapos ang klase.



Sabay sabay naman kaming umalis doon at lumipat sa kabilang room.



At dahil di kami magkakatabi, nanahimik nalang ako habang hinihintay si Amber, na siyang katabi ko sa subject na to.






Nakakairitang seat plan yan. Pero okay lang, atleast si Amber. Mabait naman ito kahit di ako masyadong kinakausap.



Iniyuko ko ang ulo ko at inangat lang iyon ng maramdaman kong tumabi na siya.





"Jaemin Na, diba?" Tanong nito ng nakangiti.

Tumango ako.




"Naalala ko yung kanina. Totoo bang may nagsaboy sayo ng malamig na tubig nung lunch break?" Usisa niya.


"Oo, meron." Sagot ko.




"Uh .. Sino?" Tanong pa niya.



Ngumiti ako. "Wag na natin siyang pag usapan."




"Gusto ko lang malaman kung totoong si Koeun yun." Sabi nito kaya napalingon ako sa kanya.




"Oo siya nga." Sagot ko.





Napatingin naman siya sakin ng matagal.




"Ang gaspang talaga ng ugali ng babaeng yan. Alam mo ba? Na laging napapasubo sa gulo ang mga kaibigan niya dahil sa kanya? Si Hina, hindi naman kasi mababaliw yun kung hindi niya sinabing bakla ka daw at may gusto ka sa magpinsan na Taeyong at Jeno. Sshh ka lang ah." Pahayag niya na nagpasindak sakin.











Pero ano? Akala ko ba si Herin ang tunay na dahilan kung bakit nagkaganun si Hina?





"Totoo ba yang sinasabi mo?" Usisa ko.





"Oo. Yung mga kaibigan ko nga sa kabilang section nagkuwento eh kasi matagal na nilang minamanmanan ang galaw ng babaeng yan. Ano bang alam mo tungkol sa nangyari kay Hina?" Ika niya.



"Ang sabi ni Herin, siya daw ang nagsabi at naging dahilan kung bakit nagkamental disorder si Hina. Nung tinanong ko siya kung bakit, iwas naman siya." Sagot ko.







"Blackmailed na si Herin. Knowing her, madali siyang matakot pagdating kay Koeun." Dagdag pa niya.






Napaisip ako. Puwedeng totoo nga ang sinasabi ni Amber.
Nakakagulat nga eh. Bakit ang gaspang ng ugali ni Koeun sakin?

Pero kung uunawain naman, bakit siya magagalit sakin ng walang dahilan? Dahil kay Hina? Eh siya naman pala ang may kasalanan sa nangyari sa kaibigan niya?






Napakabastos talaga at tinawag pa akong bakla.






Kung totoo man ito, kailangan kong malaman ang puno't dulo ng lahat.






  •••
Pag uwi ko, tahimik lang ako hanggang sa nakarating ako. Wala namang Jeno na puwedeng manggulo kaya diretsong Coffee Shop ako.





Medyo nakakalimutan kona iyong iniisip ko kanina ng makita ko si Jeno na papasok ng shop.


Walang vacant server kaya no choice ako kung hindi lumapit sa kaniya.




Tiningala naman niya ako at ngumiti ng pagkatamis tamis.
















Na parang di nangyari yung kanina.






"White Coffee. Yung parang kagabi. Sarap nun eh. Siguro best seller niyo yun dito." Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti lang din ako, "One White Coffee for you, Sir. Right?"

Tumango naman ito.

"Sige po, Sir. It will be just in any minute." Sabi ko saka ako umalis din pero nahigit niya ang kamay ko kaya natigil ako.





"Jaemin .."








Anak ng pusa! Parang teleserye ah.









Liningon ko lang siya.




"Patawarin mo sana siya sa ginawa niya sayo." Seryoso itong tumayo at tumingin sakin.




"Si Koeun ba?" Ngumiti ako.



"Oo. Alam ko namang di totoo yung paratang niya laban sainyo ni Renjun." Sabi pa niya.






"Wala na yun sakin. Salamat pala." Tinanggal ko na ang kamay niya saka siya nginitian.






Umalis na ako para isubmit kay Wendy iyong order niya at agad naman niya akong inabutan ng White Coffee sa isang maliit na tray.




"Oi ganda ng ngiti ni bebeboy ah. Nandiyan ata crush mo eh." Pang aasar ni Wendy sakin kaya napailing lang ako.









Diko na mapigilang mapangiti sa narinig ko sa kanya.









Gago. Ano na bang nangyayari sayo, Jaemin?

Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon