Wala na akong nagawa kaya ginawa ko nalang ang pinapagawa niya. Mabuti nga at pinahiraman pa niya ako ng damit, dahil di ko naman talaga kasalanan yun diba? Hay nako.
Pagkalabas ko, nakita ko siya sa malapit. Nilalaro niya yung bola niya ng soccer. Soccer foot practice kumbaga. Napatigil ako at pinanuod siya.
Hindi na ako nagtataka kung laging tinitilian siya ng babae. Kahit na masamang damo siya, maaakit sila sa maamo niyang pagmumukha at sa kung anong meron siya.
He is almost perfect. At halatang iniingatan siya ng parents niya.
Siya din yung taong di ganun kahilig maglaro at gumamit ng gadgets gaya ng ibang mayayaman. Ang balita ko, mas hilig niya maglaro kahit mag isa niya ng soccer.
Tulad ngayon.
Medyo nakakapikon lang talaga siya. Yun lang problema sa kanya.
"Ang guwapo ko diba?" Nagising ako sa katotohanang ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya. Halos nasa harapan ko na pala siya, at halos din wala na ang mata.
Hindi ko nalang siya pinansin at umalis sa harap niya hanggang sa narinig ko ang tawa niya.
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin?" I heard him.
"Para saan ba?" Tumigil ako pero diko siya nilingon.
"Sa t-shirt ko." Naglakad siya sa harap ko, at nasilayan ko na naman ang nakingiti niyang pagmumukha.
"Eh diba kung di naman dahil sainyo hindi nangyari sana yun?" Tanong ko.
Tumawa siya ng malakas. He even throw his head back as he laughed more.
Gago pala to eh.
"Dapat sa susunod, ilalagay mo na kasi lahat sa pagkain nila tapos isuksok mo sa tabi tabi lang yung sachet nun. Para wagas." Tumawa ito ulit tsaka pumunta sa may malilim na part ng field.
Naupo siya doon tapos tiningnan niya ako at sinenyasan akong maupo sa tabi niya.
Bigla akong kinabahan pero pumunta nalang ako sa tabi niya.
"Alam mo masuwerte ka." Sabi nito ng nakangiti.
Dadramahan ba ako nito? O magyayabang lang?
"Bakit?" Tanong ko habang nakatitig sa kaniya.
"Kasi hindi nakatingin lagi sayo ang mga tao." Nilaro niya yung bola ng soccer niya sa kamay niya.
Sabi ko nga at dadramahan niya lang ako.
"Ayaw mo nun. Sikat ka dito." Sabi ko.
"Ayaw ko ng ganito. Nakakasawa din kasi pala. Akala ko nung una masaya." Bigla naman siyang tumayo at hinigit ako patayo kaya tumayo din ako agad.
Ngiting ngiti siyang tumakbo palayo sabay pasa ng bola sakin na tumama sa tuhod ko.
Aray!
"Bangon, Jaemin!" Sigaw nito habang tumatawa.
Ano bang trip nito?!
Napabangon ako kahit na naiinis.
"Pag aralan mong sipain ang bola!" Sigaw niya kahit naman medyo malapit siya.
BINABASA MO ANG
Overplay || Jaeno
FanfictionFind out how and why would a soccer player yet school's heartthrob choose a smart commoner over those sexy and hot girls around him.