"Marami ba yun? Tinatamad ako magsulat eh."
"Wag ka ng magsulat. Nagpaxerox ako ng iyo. Eto." Sabay abot ko nung xerox copy sa kanya.
"Salamat!" Ngiting ngiti nitong sabi.
Kasalukuyang nasa first class in morning session ako kasama si Renjun. Kararating ko lang, at sinalubong ako agad ni Renjun tungkol sa nangyari kahapon.
"Parang pale ka pa din. Talaga bang magaling ka na?" Tanong ko.
"Medyo hindi pa pero nag aalala ako sayo eh. May nangyari ba sayo kahapon?" Nag aalala niyang tanong.
Tumawa nalang ako.
Oo.
Ang daming nangyari.
Ang nakakainis, nung makukuha na yung parusa dahil dun sa nabasag na salamin nung isang araw, wala yung Jeno na yun. Kaya mag isa kong sinalo yung parusa.
Ang sobrang nakakainis pa, si Hina.
Nakakairita sa totoo lang.
"Wag ka ng mag alala sakin." Ngumiti ako.
Naupo nalang siya ng maayos at binasa iyong ipina xerox kong notes para sa kanya.
"Alam mo ba tinext ako ni Chenle kagabi?" Bigla siyang tumawa.
"Oh bakit?" Tanong ko.
Nilingon niya naman ako. "Kayo na daw ni Hina, at nagtatampo sila ni Jisung sayo. Hindi ka daw sumabay sa kanilang naglunch."
Yun na nga eh! Nakakainis!
"Hay nako." Nasabi ko nalang.
He put those papers down saka ako hinarap.
"Magkuwento ka nga. Maiintindihan naman kita eh." He said.
"Sige na nga." I sighed.
"Ganito kasi yun. Hinarang ako nila Hina kahapon. Sabi nila pag magiging boyfriend ako ni Hina, di ako mabubugbog ng guards ni Koeun. Ayun. The end." I said.
"Ganun? Oh paano yung di ka sumabay dun sa dalawang bulilit? Dahil din dun?" Usisa nito.
Tinanguan ko lang siya.
Nasapo naman niya ang kanyang noo.
"My goodness, Jae. Hibang na hibang talaga yang si Hina sayo." Tumawa siya.
"Hayaan mo siya dyan." Sabi ko saka may nahagip ang mata ko.
Ang isang Jeno Lee na naka soccer uniform, medyo pawisan na papasok ng classroom habang nakikipagdayalogo kina Mark at Haechan.
Sinundan ng mata ko siya hanggang sa nakarating siya ng upuan niya. Hindi man niya nagawang lumingon sa panig ko, kitang kita ko ang galak sa mata nito.
Sa sobrang pagmamasid ko sa kanya, hindi ko namalayan tulala na ako sa kanya.
"hoy nakikinig ka pa?" Narinig ko si Renjun.
"Oo naman." I lied.
"Oo naman ka dyan. Kitang kita ko ngang titig na titig ka dun sa asungot na Jeno na yun." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
Overplay || Jaeno
FanfictionFind out how and why would a soccer player yet school's heartthrob choose a smart commoner over those sexy and hot girls around him.