Twenty Fifth

310 13 21
                                    

Kalahating oras din akong nagdrama sa loob ng kuwarto ko at di na bumaba pa para pumasok sa coffee shop. Nagbabad nalang din ako sa bathtub habang iniisip iyong nangyari.







Gusto ba niya talaga ako? O gusto lang niya talaga akong maging kaibigan? Gusto niya akong pagtripan? Yun ba yun?








Naalala ko bigla si Mark. Yung sinabi niya.











Kaibigan.









Halos maiyak lang ako ulit pagkaalala ko yun.







Siguro nga kaibigan ko lang siya. Kaibigan lang niya ako.







Nothing more, nothing less.









At yun na yung masakit doon.







Bakit ba ako nasasaktan? Ano naman kung nakita ko silang naghalikan ni Amber kanina? Wala namang masama doon eh.







Mas masama yung amin.










Ginulo ko nalang ang buhok bago ako tumayo at nagbihis nalang.












Pagkadako ng alas otso ng gabi, at patulog na ako naulinigan ko ang pagbukas ng pintuan kaya medyo natakot ako.





Pero napalitan iyon ng kaba ng makita kong si Jeno iyon, medyo basa at may mga pasa sa mukha at sa ilang parts ng braso niya.







Hindi ko naalala pang magyamot o magalit sa kanya ng makita siya at tumakbo ako papunta sa kanya.

"Anong nangyari sayo?" Humawak ako sa braso niya, tiningnan lang niya ako.





Umuulan nga pala sa labas.








Bigla naman siyang lumuhod habang hawak hawak ang kamay ko.







At ikinagulat ko iyon.





"Jaemin, alam kong ayaw mong marinig ang kahit na anong explanation ko pero i want to say sorry. Hindi ko yun sinasadya, hindi ko talaga yun sinasadya." Halos paiyak niyang sabi.

"Tama na, tama na. Ayos lang yun. Halika na, at magpapalit ka mu-"

"No, Jaemin. Please .." Sabi niyo.







Napabuntong hininga ako. "Alam mo Jeno. Wala akong balak magalit sayo. Kung mahal mo si Amber, at kailangan mo siya, nararapat lang yun. Di ako kokontra. Napatawad na kita kung anuman yan. Magkaibigan tayo, Jeno. Naiintindihan kita." I gently touched his cheeks saka ko siya nginitian.








Magkaibigan lang tayo.








"Talaga ba?" Tanong niya.

Ngumiti ako at niyakap siya. Kahit na basang basa siya.










Kahit na sobrang nasasaktan na ako.








Dahil di ko kayang magalit sa taong bumuo ng mundo ko.







Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon