Twenty First.

272 16 14
                                    

Nagdaan pa ang ilang araw. Puro pag aaral, pagtatrabaho sa shop at pagbisita kay Hina ang inaatupag ko. Minsan nasa condo si Jeno, nanggugulo ng buhay pero masaya akong tumutuloy siya dun para bisitahin ako.










Nakakakilig kaya.










At ng dumating na ang lunes, medyo excited ako at kabado dahil exam day hanggang bukas. Mag eend na din kasi ang semester, tapos isang linggong break, enrollment na naman.





First subject. English.








Hindi kami nagtabi ni Renjun at naka one seat apart pa gaya ng dati.



Ng magsimula na ang exam, focused lang ako sa pagsagot. Yung tipong inuulit ko pa yung tanong tapos mag iisip ako ng possible na sagot tapos hahanapin ko iyong sagot na iyon sa multiple choices. Aba mas mahirap tong multiple choices na to kasi halos magkakadikit ang ibig sabihin nung nasa choices. Sana maisurvive ko.













Mga kalahating oras din ang ginugol ko dun sa pagsasagot bago ko tuluyang ibinigay kay Maam iyong test paper at lumabas ng room. Hinintay ko nalang si Renjun sa labas at mukhang ako palang ang natatapos.



Naupo lang ako sa bench malapit sa pintuan habang nagrereview ng formulas para sa Math test later at hinihintay na lumabas si Renjun.







Nagsisilabasan naman ang iba kong klase na panay ang daldal padin palabas ng classroom.







Hanggang sa maulinigan ko ang mga pamilyar na boses nila Haechan.







Napatingala ako upang hagilapin si Jeno.









Nakita ko naman siya. Nakangiti ito habang pinapakinggan si Mark.









Pero ng dumapo ang tingin ko sa kung nasaan ang kamay niya, parang gumuho ang mundo ko.












Nakahawak siya sa kamay ni Koeun at naka intertwined pa ang mga daliri nila habang naglalakad sila palabas.











Nakita kong nginisian ako ni Koeun ng panandalian.








Tatanggalin ko na sana ang tingin ko siya dahil sandaling napatigil si Renjun sa likod, at pinagmamasdan din sila, ng nahagip ako ng mga mata ni Jeno.











At unti unting nawala ang ngiti nito.













Sandali kaming nagkatinginan pero hindi siya tumigil.






Una akong nag iwas ng tingin at nilagpasan din sila at nilapitan si Renjun.






"Tara na." I smiled at Renjun pero alam kong alam niyang peke lang yun. He saw it.






"Tara." Wika niya at naglakad na kami paalis.






Hindi ko na sila liningon pa until Renjun asked," Is there something wrong between you and Jeno?"




Tumango ako.








"Nagseselos ka noh?" He asked.
Tiningnan ko naman siya at nginitian. At saka ako nagpatuloy sa paglalakad.















  •••••
"Haaaaaaaaaaaay." Renjun yawned pagkalabas namin ng Chemistry room para dumiretso sa cafeteria. Naghihintay na sigurado yung dalawa.









Pero ngayong wala na akong inaatupag na test, bumabalik na naman iyong alaala ko kanina tungkol kay Koeun at Jeno.











Buwesit.








Pilit kong iwinaksi ang tungkol doon at nakipagkuwentuhan sa tatlo.












Sa hapon naman, nag review class lang kami. Pilit kong iniiwas na mapatingin sa dako ni Jeno dahil baka magkahulihan lang ulit kami ng tinginan at ayoko munang istress ang mga oras na to kakaisip sa kanya.




"Ayos ... ka lang ba?" Narinig ko si Amber, sa tabi ko.


Tiningnan ko lang siya at tinanguan.




"Mabuti. Kanina ko pa kasi napapansin na parang may problema ka." She smiled.



Nginitian ko lang din siya. Saka ko naalalang nakikita ko siyang umiiyak nubg mga nagdaang araw.






At yung sa kanila ni Jeno.











Gusto ko sana siyang tanungin pero parang ayokong mang usisa kasi baka magkaroon ng di pagkakaintindihan bigla.






Kaya diko na itinuloy.




Ng busy na siya sa pagrereview, palihim kong kinuha mula sa pocket ng bag ko iyong picture na nahulog nun mula sa locker ni Jeno. Saka ako napaisip.






Napakamisteryoso talaga.









Ibinalik ko na iyon sa bag ko at nagsimulang magreview ulit.







••••
Pagkauwian, hinintay ko muna si Yiyang sa may Department's Exit dahil didiretso kami sa Centre kung saan nakaconfine si Hina. Dadalhan ko din siya ng red roses baka sakaling gumaan ang loob niya. Tinukso pa tuloy ako ni Ten na nagbibinata daw ako at ang swerte ng liniligawan ko sakin. Napailing lang ako.







Mga ilang minuto lang din ay naulinigan ko siyang nakikipag usap sa kamajor niya kaya napalingon ako sa kanya. Agad din naman niya akong nakita kaya tumakbo na ito palapit sakin.



"Sorry natagalan ako." Sabi niya pero sinabi kong okay lang yun.





Gaya ni Ten, tinukso lang din niya ako sa dala kong red roses na nung tumagal ay siya na ang naghawak dahil nagpasya akong dalhin iyong mabibigat niyang libro at laptop.










Gentleman din naman ako noh.










Ng makalapit na kami sa field dahil, malapit dun ang daanan papunta sa gate, naalala ko ulit si Jeno. Kinabahan ako ng maalalang may practice sila ngayon lalo nung narinig ko ang boses niya sa malapit.














"Jaemin!" Sigaw nito.







Hindi ko alam kung titigil ako o di nalang siya papansinin pero ayoko magmukhang engot lalo na at halos ng tao nakatingin sa amin.






"Jaemin." Narinig ko si yiyang mula sa likod ko.




Nakalapit na agad si Jeno at nasa harap ko na siya, kalaunan.




Wala na akong nagawa kundi ang titigan siya.








"Hayaan mo akong .... err .. Magpaliwanag." Wika niya ng medyo awkward. O kung anuman ang tawag dun.








Ngumiti ako sa kanya.
"Wala kang kailangan ipaliwanag. Malinaw sakin lahat."








And with that, hinigit ko si Yiyang sa kamay niya at iniwan siya doon.











Totoo naman diba?

Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon