Eighth

309 19 12
                                    

"Bigyan niyo na po ako ng ilang araw pa. Mababayaran ko din po yun. Please po, tyang." Pagmamakaawa ko sa landlady ko dahil naniningil na ito ng bayad sa apartment. Bale kasi tatlong buwan na akong di nakakabayad  kasi ubos dahil sa projects and requirements sa school ang pera. Eh di ganun naman kalaki kinikita ko sa paggawa ng handmade teddy bears. Yun lang ang negosyo ko at pinantutustos ko sa pag aaral ko.

"Antagal na nun, alam mo ba? Baka gusto mong maputulan tayo ng kuryente. Hindi na nga ako makakapagbayad nitong buwan dahil walang pera eh." Sabi nito.

Mabait naman talaga si tyang. Kaso ganun talaga, kailangan niya maningil kasi business is business nga diba? Buti nga napapautangan niya ako minsan.

"Hayst paano n-"

"Anong nangyayari Jaemin?" Biglang sumulpot habang nagkukusot ng mata si Jeno sa likod ko.

Nagising ata sa boses namin ni tyang.

"Dun ka na nga. May kausap ako dito eh." Sita ko sa kanya.

Kaso di ako pinakinggan.

"Sino naman itong iniuwi mong guwapong bata, Jaemin? Nagladlad ka na ba ha?" Wika ni tyang.


Nagkatinginan kami ni Jeno.




Sinasabi na nga ba at magmumukha akong bakla sa lalaking to!
.




"Tyang naman. Kaklase ko lang yan." Sabi ko at nahuli ko ang pagngisi ng lolo jeno niyo.








Buwesit.





"Kamusta po manang? Ako po si Jeno Lee." Bati nito.


"Mabuti naman anak. Pero teka, mabalik tayo sa pinag uusapan, Jaemin. Kelangan ko na talaga yun." Sabi ni tyang.

Nahiya ako bigla habang nakikinig si Jeno.

"Magbabayad din ako tyang. Promise." Wika ko.

"Magbabayad ng ano?" Biglang usisa ni Jeno kaya napalingon ang matanda sa kanya.


"Ng renta niya dto sa bahay? Mga tatlong buwan na kasi siyang di nagbabayad hijo." Sige tyang ipahiya mo pa ako.


Hayst.






"Ako na po magbabayad. Magkano ba?" Biglang hinigit ni Jeno ang wallet niya mula sa bulsa niya.

Nanlaki ang mata ko. Aba-

"Huy anong ginagawa mo ha?!" Dinampot ko ang kamay niya pababa para pigilan siya.

"Sus chansing ka lang eh." Ngumisi na naman siya. Kaya binitawan ko siya.

"Mga 15K yun hijo." Sabi ni Tyang.

"Pasensiya na po Manang pero tseke lang dala ko. Eto po. Pakiissue nalang po sa Mayor's Office bukas kasi po pera ng tatay ko yan." Sabay abot nito ng isang puting papel na mukhang tseke nga.





Yaman ng putragis.




"Mayor's Office? Anak ka ng alkalde?" Nanlaki ang mata ni Tyang.

"Ay opo." Ngiting ngiti siya habang sumasagot.

"Naku, maraming salamat hijo. Ako ay aalis na pala. Kaya sige." Sabay sulyap niya sakin at umalis na si Tyang.



Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon