Thirteenth

267 18 7
                                    

Nagsabay kami ni Jeno pumasok dahil sa tinamad na siyang magdrive ng kotse niya. Hinayaan ko lang naman siyang maglakad kasabay ko.

Ng makarating ako sa room, dumiretso lang din siya sa mga kaibigan niya sa harap.




"Oy jaemin!" Narinig kong tawag ni Renjun habang may hawak siyang folder.





Teka-




Pasahan pala ng written output ngayon sa English!



Yung akin na kay Jeno pa-





Hindi ko alam kung lalapitan ko siya ngayon dahil busy siya.





Busy siyang makipag usap sa mga kaibigan niya sa harap at ng mga ibang babae.







Paano na ito-




"Okay ka lang?" Humawak sa balikat ko si Renjun at nahalata yatang balisa ako.




"Medyo hindi. Yung output ko na kay Jeno pa." Sagot ko.



"Ay jusko. Gusto mong lapitan ko?" Tanong niya.



"Okay lang ba sayo?" Tanong ko.



"Oo naman. Ikaw pa ba." He winked kaya napangiti ako sa kanya.




Then, he went off at pinuntahan nga si Jeno doon.



Nakita kong tiningnan siya ni Jeno at nag usap sila panandalian. Tapos bigla itong tumingin sakin ng nakakunot ang noo.








Feeling ko magkakaproblema pa dito.





Bigla siyang sumigaw ng, "Nasa locker ko!"



Kaya tiningnan ako ng mga kaklase namin.



"Hindi ko alam na ikaw pala nagtatago project ni Jae." Haechan said tapos nagtawanan mga babaeng kasama nila.





Hindi ko naman maiwasang mainis doon. Ngumiti lang si Jeno kaya mas lalo akong nainis.



Kasama niya na kaibigan niya kaya halos wala na itong pakialam sakin.









Sus. Kelan ba nagkaroon ng pakialam yun sakin?







Mabait lang siya pag wala na siyang choice.







Tss.




"Eto ang susi." Abot ni Renjun sakin habang nasa pinto ako at hinihintay siya.


"Salamat." Sabi ko saka umalis doon at nagtungo sa may locker room.





Hinanap ko namang ang locker niya, at hindi naman ako nahirapan dahil nandun ang pangalan niya.




Binuksan ko iyon at kinuha ang nakafolder na written output ko. Chineck ko kung akin talaga yun at yung akin naman talaga yun.




Napansin kong may nahulog na kung ano pagkahila ko ng written output ko kaya pinulot ko iyon.









Isa lang naman itong picture ni Jeno at ng isang babae.



She must be the girlfriend.




Maganda siya. Singkit gaya ni Jeno.




Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon