[ J E N O ]
"Jeno baby. How was school this week?" My Mom knocked in my door room kaya napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sabay abot ng tshirt ko mula sa headboard.
Binuksan ko ang pinto pagkasuot ko ng damit ko at pinapasok siya.
"Everything's fine, Mom." Naglakad ako papunta sa kama ko ng di siya tinitingnan.
"So how about Jaemin?" Napatingin ako sa kanya ng mabanggit niya ang pangalan ng kaklase ko.
"What do you need Mom?" Kumunot ang noo ko.
"Anak, gusto ko lang naman malaman kung okay ka lang ba talaga." She said.
"Kitang kita niyo naman sigurong humihinga pa ako diba?" Sinulyapan ko siya.
Kainis!
Lagi nalang nakikialam!
"Umalis ka na. Gusto kong magpahinga." Sabi ko ng di siya tinitingnan..
Pagkaraan rin ng ilang minuto, narinig ko ang pagsara ng pinto na siyang ikinatahimik ng kalooban ko.
Haaaay.
Napahiga ako sa kama ko habang pinapakiramdaman ang paligid.
Matutulog na lang ako.
Bigla namang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.
"Sir Jeno, may bisita po kayo."
ASDFGHJMVCFUKKBDFTJNPPBSAEHBKIRHBKSASDFHJKLLLL- LINTEK YAN OO!
Inis akong bumangon at ginulo ang buhok ko na binuksan ang pinto ko at sinamaan ang tingin sa maids ni Mommy.
Natakot yata ito kaya tarantang bumaba."Tss." Mukhang wala naman akong choice kundi tingnan kung sino yung buwesit na istorbo ng buhay ko.
Si Mark at Haechan.
Nagtaas ako ng kilay. Bakit nandto ang mga to?
"Magdala nga kayo ng maiinom nila dito." Utos ko sa isang dumaang maid sa harap ko na agad ding pumunta sa kusina.
Tiningnan naman ako ng dalawa.
"Anong masamang hangin ang nagdala sainyo dito?" Tanong ko ng maupo ako sa harap nila.
"Ang init init ng ulo mo, pare." Mark smirked at me.
At alam ko na ang gustong iparating nito.
"Relax ka lang, Jeno dude." Wika naman ni Haechan.
Paano ka makakarelax kung puro problema sasalubong sayo.
"Ano ba ang nangyari?" Tanong ni Haechan.
"Heto na po, Sir." Sabay lapag ng maid na inutusan ko kanina ng tray sa mesa na may tatlong baso ng orange juice.
"Nag away lang kami. Anong malay ko kung pagseselosan niya pala yung isa kong fangirl sa school." Nabubuwesit kong pahayag.
"Fangirl? Saan dun?" Tanong ni Mark.
BINABASA MO ANG
Overplay || Jaeno
FanfictionFind out how and why would a soccer player yet school's heartthrob choose a smart commoner over those sexy and hot girls around him.