Twentieth

281 16 9
                                    

Friday.






Magaling na ako at kasalukuyang nasa Coffee Shop kasama si Yeri at ang iba pa. Malamig na malamig ngayon dahil umuulan sa labas kaya maraming customers pero okay lang naman dahil sa dami namin. Siyempre, walang pasok eh. Mamayang gabi nalang ako mag aaral.






Kung tatanungin niyo si Jeno, may soccer practice daw sila ngayon. Ang sabi ko umuulan, paano sila magpapractice. Pero sinabi niyang kahit maputik ang field, kailangan nilang magpractice dahil nakaschedule yun ngayon at kailangan nilang makumpleto ang days of practice nila para sa nalalapit nilang competition out of the school.







Namiss ko siya bigla.








Simula kasi ng magkasakit ako, gustong gusto ko siyang nakikita lagi. Pag nakikita ko ngiti niya, parang nagiging bright ang araw ko.





"Bebeboy, padala to dun sa table six. Nawawala na naman kasi yung plywood nating kasama." Biro ni Wendy na tinutukoy si Seulgi. Nag CR kasi yata siya.



Nginitian ko nalang siya at kinuha yung tray at hinanap ang table six.





Pagkahanap ko nun, nagitla ako.















Its Yiyang.











Basta talaga nakikita ko isa sa kanila, medyo nag aalangan ako. Ayoko kasi ng gulo.







Pero this is my job. I need to do this.







Dumiretso nalang ako sa direksiyon niya at inabot iyon.





"Here's your order, Maam. Enjoy." Nginitian ko siya tsaka niya ako nginitian.







Nagulat naman ako pero diko lang ipinahalata.





"Mag usap muna tayo please?" Sabi nito.


"Para saan?" Tanong ko.



Tumayo naman ito at hinawakan ang left hand ko.







"Hina needs you." She said.






"Teka, anong ibig mong sabihin?" Napaharap na ako ng tuluyan.



"She's always looking for you. Kahapon na naman. Nadatnan ko siyang umiiyak tapos hinahanap ka niya." She said.






"Yiyang, ayoko ng magulo ang buhay ko. Alam kong kasalanan ko iyong nangyaring-"

"No, it's not your fault. Hindi mo kasalanan kung bakit nagkaganun siya. Pero please sana? Kahit ngayong araw lang. Ngayong araw lang, bigyan mo ng kaligayahan ang kaibigan ko." Sabi nito ng may pagmamakaawa pa.





Napabuntong hininga ako.





"Magpapaalam lang ako saglit." Wika ko saka naman niya ako binitawan.



"Salamat." Ngumiti ito saka ko naman siya iniwan.






Sunod nun ay nagpaalam na ako kay Wendy at sinabing babalik nalang ako ng hapon para bumawi at pumayag naman ito at sinabing okay lang naman yun.






Tsaka naman ako sumama kay Yiyang.





Nakaconfine pala si Hina sa isang Psychological Centre sa bayan. May special treatment siya kasi mayaman sila, sabi ni Yiyang.








Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon