Eighteenth

295 11 6
                                    

Kinabukasan, medyo nalate ako sa first subject ko.


Ang dami kasing customers sa shop at wala si Yeri, kaya ayun.



Pagkapasok ko, saktong nakatalikod si Maam kaya tumakbo ako nagmadali sa upuan ko.




Tiningnan lang ako ni Renjun.





"Nagcheck na ba ng attendance?" Tanong ko.



"Hindi pa. Bakit late ka ngayon?" Bulong niyang sagot.




"Ah mabuti." Napangiti ako.




Nagpatuloy ang discussion ni Maam, nakita kong nandoon sa harapan si Jeno at may isinusulat yata.








"Alam mo ba Jae." Narinig ko si Renjun.



"Ano yun, Renjun?" Tanong ko ng pabulong din.





"Yung kahapon. Walang holiday diba? Tapos walang pasok." Sabi niya.


"So anong meron?" I asked.




"Ang sabi nila Haechan, pinakiusap daw ni Jeno kay Mama niya na kung puwede walang pasok kahapon dahil may imemeet daw siya." Wika niya.





Mabilis na umikot ang ideyang yun sa isip ko.










Ako kasama niya kahapon diba?










"Ang loko din ng Jeno na yan ano? Siguro nakipagmeet siya sa girlfriend niya at para di masabihang di nag aaral, o di masita na umabsent, ginawa niya pa yun." Sabi pa niya.






Nginitian ko lang si Renjun.









Pagkatapos ng first class, medyo nahuli kaming lumabas ni Renjun dahil sa nagliligpit siya ng gamit niya. Pero di naman kami ganun kahuli dahil may ilan pang kaklase kami na nasa classroom doon.







Iginalugad ko ang tingin ko upang hanapin si Jeno ng makita ko siya sa isang gilid, kausap si Amber na parang pinagagalitan niya yung babae, ayun sa nakikita ko sa mukha nila.


Patingin tingin nga sa paligid si Jeno pag si Amber ang nagsasalita na parang may itinatago silang dalawa sa lahat, at nakakunot ang noo niya.







Buti kung yun lang ang nangyari.





Nung tumagal na, umalis na siya doon at iniwan si Amber na nakasimangot at parang naiiyak na ito.



Papunta siya kina Haechan nung biglang sumulpot si Koeun, at hinila siya sa kamay at tumakbo palabas ng room.








At siya? Nagpatangay naman.





Hinanap ng mata ko si Amber at nakita kong umiiyak na ito ng patago.





Sino ba talaga sila Amber at Koeun sa buhay mo, Jeno?




"Mauna ka na sa classroom, Renjun." Sabi ko kay Renjun saka ako naglakad palabas ng room at hinanap sila.





Pagkakita ko sa kanila, sinundan ko sila ng dahan dahan.







Stalker na kung stalker pero curious ako eh.







Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon