Second.

497 16 1
                                    

"Kainis naman to oh. Akin na kasi yung burger! Kanina ka pa kumakain eh!" Nagulat ako sa sigaw ni Jisung habang lunch break. Kasi naman, nagshare sila ni Chenle ng pagkain. Kami kasi, bumibili kami ni Renjun ng Lunch Meal kaya magkahiwalay kami.

Natawa ako bigla.

"Eh nakatatlo ka na diba? Akin na to." Diretsong sabi naman ni Chenle saka kinagat iyong binili kong chicken burger nila.

Naawa ako bigla sa pinakabata kaya kinuha ko yung fried chicken ko saka linagay sa plato niya. "Kainin mo na habang mainit pa."

"Sayo yan eh." Tinulak niya pasulong sakin yung plato niya.


"Sus aarte ka pa eh. Ayaw mo aki-"

"OO NA NGA!" Wala pang isang iglap, nakakagat na si Jisung sa binigay kong manok sa kanya. Naramdaman ko naman ang siko ni Renjun sa tagiliran ko kaya akala ko sinisiko niya ako kaya tumingin ako sa kanya.




At ang lolo niyo titig na titig sa dalawa.



"Hoy." Siniko ko siya na kinagulat niya.

"B-bakit?" Nauutal niyang sabi kaya natawa ako.



May nararamdaman akong di maganda sa lokong ito.




"Wala. Sabi ko ang sarap ng pagkain nila dito ano?" Nginitian ko nalang siya.



Napahinga naman siya ng malalim at umiling iling saka pa bumulong ng "Akala kung ano." Saka ako tinanguan.




HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!




Bigla namang bumukas ang pintuan ng cafeteria at iniluwal nito ang limang na babae kasama si Haechan na katabi si Herin sa likod. Ang alam ko magbestfriends yang dalawa.




Parehong maasar eh.

"Dito nalang tayo." Seryosong sabi ni Koeun, habang tinuturo iyong table malapit sa amin.



They are the brats of our section. Maliban kay Herin na mahilig makipag usap sa commoner na gaya ko. Brat sila kasi yung gusto nila laging nasusunod.


Ang alam ko kaibigan ng pamilya nila ang pamilya nila Jeno Lee kaya ganyan sila makaasta.



Lalo si Koeun na matapang at suplada. May dalawang guards yan lagi na nasa labas para bantayan siya. Si Hina naman at Ningning naman, sadyang brat lang ang ugali nila talaga dahil rich kids sila at di sila magandang maging kaibigan kung wala kang perang itatapat sa pera nila.


Biruin mo yang si Ningning, hindi siya gumagamit ng sapatos na 1000+ lang ang presyo. Milyunes ang halaga ng gamit niyan.




Si Yiyang naman, tahimik lang din pero once na nabuwesit siya, kaya niyang mageskandalo at wala siyang pakialam sa babastusin niya.



Buti nalang kahit wala akong pera, hindi ako ganyan sa kanila.



"Hoy tabi tayo anoba. May ikukuwento ka p- OY JAEMIN NANDYAN PALA KAYO!" Napatingin tuloy sa table namin sila ng masigaw si Herin habang hinihila si Haechan sa tabi niya.




Parang tuloy nag apoy ang buong paligid sa titig nung iba sakin.


"O-oo." Nauutal kong tugon.



"Hiramin ko pa yung ballpen mo ah? Balik ko later!" Sabi nito saka ito tumayo at hinigit si Haechan sa counter area.



Ibinalik ko nalang sa pagkain ko ang atensyon ko at nagpatuloy ng pagkain.



Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon