Seventeenth

298 19 12
                                    

Next Morning, nakatanggap ako ng phone text na wala daw pasok ngayon. Kakaligo ko lang kaya medyo okay lang kasi, iispend ko nalang ang araw sa Coffee Shop. Galing naman yung phone text na yun kay Renjun.




Mabuti at nakakaalala pa yun. Nasaan na kaya yun? Sana bumisita siya dito tutal alam naman niya yung tungkol dito.




Buong araw kasi kahapon diko siya nakita.





Nakakamiss siya. Hahahaha-






Biglang nagring ang telepono sa may bedroom kaya napatakbo ako papunta doon.



Sinagot ko iyon at naulinigan ang nasa kabilang linya.



Jeno.








Napangiti naman ako ng malamang siya yun.





"Wala daw pasok ngayon?" Tanong niya.


"Oo, sabi ni Renjun." Sagot ko.



"Anong plano mo ngayong araw?" Tanong niya.







Ano na naman ba to! Di na yata ako tatantanan ng lalaking to.







Simula kasi kahapon, imbes na mainis ako sa kanya, natutuwa ako lagi.




Parang gustong gusto kong nakikita na siya at nakakausap.






Ayoko namang isipin kung ano to dahil baka lalong maguluhan ako.





Tsaka, mabait naman siya diba? Wala akong nakikitang masama dito.




Siguro nag eenjoy lang ako sa company niya.







"Papasok ako sa Coffee Shop ngayon." Sagot ko.





"Ang sabi ni Mama, day off daw lahat ng workers dun. Sarado yun pansamantala." Sabi niya.







Huh?





"Ah. Edi tatambay lang ako ngayon sa bahay, kakain at mag aaral ganun." Sabi ko.




"Samahan mo ako. May pupuntahan kasi ako." Sabi nito.





"Ah- saan ba?" Tanong ko.



"Basta. Pag bukasan mo na ako ng pinto dali." Sabi niya kaya nagpanic ako at tumakbo papunta sa pintuan at binuksan iyon.




Dahan dahang bumukas yun gaya ng dati at nandoon nga si Jeno, nakangiti at nakaporma pa.




"Magpalit ka na." Sabi nito habang naglalakad papunta sa kama ko.

"Saglit lang." Kinuha ko iyong damit at pants ko mula sa ibabaw ng kama at tumakbo papunta sa bathroom para magpalit.


Ng matapos ako dun, nagsusuklay akong pumunta sa may salamin kung saan naaaninag ko ang repleksiyon niya mula rito.




Inaayos niya yata ang sintas niya ng sapatos kaya di niya napansing nakatitig ako sa kanya.
















This guy is so damn perfect. Ang sarap tuloy maging babae tapos iisipin mong magkakagusto siya sayo.






Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon