Fourth.

373 20 15
                                    

"Hoy kasi naman eh!" Kapapasok ko palang ng classroom namin for the first class in the morning ay naabutan ko na naman ang hidwaan ni Haechan at Herin. Bakit ba kasi nagtatabi sila kung mag aaway lang sila. Ang ingay tuloy.

Naupo lang ako sa upuan ko at ginalugad ang mata upang hanapin si Renjun ngunit nawawala ito.






Bakit di yata maaga yun?



Kung tatanungin niyo kung nasaan si Chenle at Jisung, ganito yun. Hapon lang namin kaklase sila dahil nasa lower year sila, at may minor classes sila. Kaya yung dalawa, nasa kabilang building ang mga yun tuwing umaga.




Kakahanap ko kay Renjun, iba ang nakita ng mata ko.



Si Jeno. Nakasandal sa may wall, seryoso ang tingin habang nakatingin sa akin.






O nag iilusyon lang ako?








Bahagya akong natakot sa tingin nito kaya umiwas ako ng tingin. Nacurious ulit ako kaya binalik ko ng dahan dahan ang tingin sa kanya.
















Mas lalo lang ako natakot. Ganun pa din ang posisyon niya pero nakangisi na ito sa akin.






Bigla akong nanlamig sa takot.





ANOBA KASI JAEMIN?! NAGMUMUKHA KANG ENGOT EH! WAG MO KASI SIYA TITINGNAN KASI MAPAPAHAMAK KA LANG! MAPAPAHAMA-







"Mukhang ako ang hanap mo tuwing umaga ah." Nasa harap ko na siya at nakangiti ito sakin.





Ewan ko ba pero pakiramdam ko namumula na ako sa kaba ngayon.




Kasi eh! Hayst!







"Umalis ka dyan. Mapapahamak lang ako sayo." Umiwas akong tingin.



"Bakit mo ako iniwan kahapon?" Naramdaman kong umupo siya sa seat ni Renjun which is sa tabi ko.







Ang kapal! Sino kaya nang iwan kahapon?




"Diba ikaw nang iwan sakin dun?" Balik tingin ko sa kanya.



"Eh babalikan sana kita eh." Bahagya siyang lumingon sa may pintuan ng silid kaya napansin ko iyong pamumula na pasa sa may gilid ng labi niya.





Malinis mukha nito kahapon ah! O diko lang napansin? O baka nakipag away sa ganito kaaga?









"Napano ka?" Natanong ako bigla kaya bigla siyang lumingon sakin.



"Siyempre guwapo bakit ba?" Ngumisi siya.






Gago.





"Yung pasa mo." Sabi ko.


"Ah yan? Wala. Tanda yan ng pagiging guwapo ko." Sabay tayo niya at lakad paalis na di man lang nagpaalam.



Problema nun?





"Jaemin!" Napasulyap ako sa tumawag sakin. Chenle?


Tumayo ako mula sa upuan ko at lumapit sa may pintuan.



"Wala si Renjun ngayon. May lagnat siya eh." Wika nito.

"Ay ganun? Sige." Sabi ko.


Bumalik ako ng upuan ko ng nag iisip.



Linalagnat? Kawawa naman yung kaibigan namin. Bilhan ko kaya siya ng prutas mamayang uwian?

Overplay || JaenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon