Jona's Point of View.
Iyak.
Iyak na lang ba talaga ang kaya kong gawin sa buong buhay ko? Si Ajay lang yan pero hindi ko pa magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Eto ba yung definition ng 'So Close Yet So Far'? Grabeng impact ang nagagawa. Tagos to the nth level ang sakit sa puso.
Nakatungtong lang ako sa isa sa mga branches ng rambutan tree. Ayoko munang magpakita sa kanila hangga't hindi ko naaayos sarili ko. Di umobra pananakot sa 'kin ni Sam kasi sinabi ko nga na nasaktan ako kaso di ko sinabi kung bakit.
"Jona!" tawag sa akin ng isang boses. I know that voice kahit hindi ko pa sya nakikita pero hindi ko sya pinansin.
"Jona! Jona, bumaba ka nga muna!"
"Ayoko, sino ka ba para sabihan ako ng ganyan-ganyan?" hindi ko pa rin siya tinignan.
I heard him sigh. Ano? Pagod na sya sa 'kin? Bwes, di ko sya papatusin. Magtitigas-tigasan ako hangga't gusto ko at wala syang magagawa dun!
"Jona, may sasabihin lang ako pwede?"
"Hindi ako bababa kung hindi yan importante!"
"Importante ito, sobrang importante!" mahahalata mo sa kanyang boses ang inis. "Bumaba ka na dito, isa..."
"Bakit ka naiinis? Wala naman akong ginagawa sayo!"
"Dalawa..." nagpatuloy sya sa pagbibilang. "Pag ito umabot ng tatlo, ako na talaga ang aakyat diyan! Hihilahin kita pababa!"
Ang sarap nyang inisin. Pero bagay lang yan sa kanya. Ang manhid kasi tapos napakapikon pa. Bading!
Hindi ko pa rin sya tinitigan. Bahala sya sa buhay nya, umakyat sya kung gusto nya.
"Two and a half!"
Napabuntong ako dahil sa inis. "Oo na, oo na, bababa na ako!"
Napakarupok mo naman pala self. Tang1na mo! Mas matigas pa 'tong puno ng rambutan kesa sa'yo e.
Bumaba ako ng dahan-dahan. Kahit na nagtatampo ako sa kanya hindi ko pa rin maiwasang ma-curious lalo na't importante daw ang kanyang sasabihin. Bumababa lang ako nung bigla akong nadulas sa kahoy. Ang tanga mo talaga, Jona. Nadulas ka sa algae!
Pumikit na lang ako at hinintay ang pagbagsak ng aking katawan sa lupa pero wala akong narinig na boogsh or blaag or wapak! Wala talaga.
I slowly opened my eyes and I'm still alive in one piece. Kinapa-kapa ko ang aking sarili matapos, oo nga buhay pa ako. Pero paano?? O.o
"Ugh.. a-aray!" Reklamo nya.
Kaya pala matigas na malambot. Sya pala yung naging panangga ko. Tumayo ako agad at nilahad ang aking kamay para matulungan syang tumayo. "O-Okay ka lang? So-Sorry!"
Kawawa talaga mukha nya, parang nasaktan ng sobra. Kasalanan ko pa ito kasi ako tung tatanga-tanga tapos sa kanya pa ako bumagsak. Akala ko kukunin nya ang nilahad kong kamay kaso hinila nya ako pababa kasama nya, then he's smiling foolishly.
Napapalunok laway ako ng one hundred times. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko lalo na't ang lapit-lapit ng mukha nya sa 'kin.
"A-Anong pakulo to?" confident kong tanong.
"Pakulo? Etong gagawin ko ay hindi isang pakulo," he suddenly kissed me.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Papalag ba ko o hindi? Pero di na ako pumalag pa, siguro dahil gusto ko rin 'tong nangyayari. Dahan-dahan rin syang kumawala pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
