Chapter 05

856 19 0
                                        

Chapter 05



Ronier's Point of View.



"Tol, magluto ka na," sabi nung Ajay kay Kian.

Nakatunganga lang si Kian habang nakatingin sa ref. "Tss, ayoko, kapagod," sabay pasok sa kwarto.


Haaayy, kung makakasama mo ba naman ang mga mayayaman sa iisang bubong. Wag na lang siguro no?



"Ikaw diyan, tol alam mo ba?" sa akin na naman s'ya nagtanong.


"Oo."



Tinapik nya ko, "Kung ganun magluto ka na. I'm also tired, mukhang taga dito ka naman kaya sige na."



At sa akin n'ya pa talaga binigay yung responsibilidad sa pagluluto!


"Royals royals hindi naman marunong magluto," pagmamaktol ko.



"Tsk, tsk. Walang magagawa yang pagmamaktol mo," bigla na lang s'yang sumulpot at tinulungan ako kumuha ng mga gulay at karne. "No bacon!" sigaw nya.


Hindi n'ya ba alam? "W-Wala. Puro gulay at karne ng baboy lang. Kung gusto mo nang bacon, gagawa tayo."

"Ha? Um... No thanks, ako na lang ang gagawa ng sarili kong bacon. Gawa ka rin kung gusto mo," sabay sara ng ref.



Pinaglihi ka ba sa sama ng loob Samantha Anj Reid?



"S-Samantha, diba?"



"Yup.. I'll slice the cabbage and carrots, today we will make chopsuey. At kung ayaw nila, magluto sila mag-isa," tugon n’ya.



At nagsimula na syang maghiwa ng mga gulay. AMBILIS NYA NAMAN MAGSLICEEE! She's an expert. Akala ko ba puro lang s'ya cutics at paganda. May ibubuga ka rin pala sa pagluluto Samantha. Hindi nakapagtatakang pinadala ka rito kaso ano pa ba ang babaguhin ko sa kanya?



"Okay sige," nagsimula na rin ako sa paghiwa ng sibuyas at garlic.


Konti lang naman at pampalasa na rin. Ako na rin yung gumawa ng apoy, walang gasul. Merong kalan at uling tsaka gas para mapadali ang lahat.


Sanay ako sa mga ganitong bagay kasi nakikitira lang ako kina uncle noon noong wala pa akong trabaho bilang cook, sideline lang naman but, still, ang laki ng sweldo ko.


Bakit nga ba ako napunta rito? Hindi kami mayaman, oo. Pinapunta ako rito para tumulong. Yun lang at sa isang rason na hindi ko maaaring sabihin sa kahit na sino sa kanila.



"Ronier, ilagay mo lahat ng ingredients kapag kumulo na," mag-ookay na sana ako nung may sumingit sa usapan.




"Nang-uutos ka na naman, palautos ka talaga," asik ni Jona.

"So? Ugh, whatever. I don't have time for you, pay my attention na lang next time!" patuloy pa rin sya sa paghihiwa ng karne. Wala syang arte, akala ko pa naman maarte sya kung may dugo o wala.

Camp Royalty | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon