Chapter 08
—
Jona's Point of View.
"Nainlove ka na ba?"
Yan. Paulit-ulit na lang sa utak ko, hays! Kahit panaginip lang yun, hindi pa rin ako makamove on.
"Okay ka lang, Jona?" si Jessie pala, dala-dala si Mallow.
"Um... oo naman." napansin ko ulit na wala na naman si Samantha. "Si Sam?"
Baka kasi nakikipag-bakbakan na naman kay Kian. "Andun sa kusina, nagluluto na naman kasama si Ron."
"Ah okay," kasama na naman pala si Ronier. Sila kasi ang cook dito.
Biglang may pumasok sa kwarto namin. Si Ronier. "Nakita nyo si Kian? Tumakas kasi sa pagkuha ng kahoy e," kamot ulo nyang tanong.
Awtomatikong gumalaw ang katawan ko sa aking narinig at tumakbo papuntang kusina. And I'm right, andun si Kian, nakikipagbangayan na kay Samantha. Napa-facepalm na lang ako dahil sa dalawa.
"Hindi mo ba ako nakita ha? Ayan tuloy, anong uulamin natin?" Inis na inis n'yang tinignan si Kian.
May iilang gulay ang nakakalat sa sahig ngayon. Ano ba ang nangyari dito?
"Malay ko bang tatanga-tanga ka. Kita mo na ngang tumatakbo ako!" Hindi rin nagpatalo si Kian.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo? Duwag ka talagang Bakla ka..."
"Hindi ako bakla. Buntisin pa kita dyan e!
"Anong sabi mo?!"
Nanlaki ang mga mata namin sa kanyang sinabi bago s'ya muling nagsalita ulit. "Ayokong nagbubuhat ng panggatong! Tss. Pulutin mo na lang, pwede pa siguro yan."
Bigla na lang kinuha ni Sam ang sandok at hinampas ito ng pagkalakas-lakas sa ulo ni Kian. Kaya ayun, nawalan s'ya ng malay.
"Istorbo ka kita," yan lang ang nasabi n'ya nung nakahandusay na sa sahig si Ki. Napansin n'ya rin kaming tatlo sa wakas habang nanonood sa may pinto. "Pakipulot ng gulay," utos n'ya at muling bumalik sa pagmixed ng pancit.
Hmm, pag si Samantha na ang magluluto masarap yan. Pinulot namin isa-isa ang gulay na nakakalat. Mukhang nasasanay na kami sa pautos-utos n'ya kaya sumusunod na lang kami. Nag-uutos lang naman s'ya kapag may ginagawa s'yang ibang bagay. Hindi talaga sya utos nang utos.
Dumating agad si Ajay at pawis na pawis na naman.
"Oy, luto na ba yan? Gutom na ako, Sam," heto naman parang bata kung makadabog.
Nagsalubong agad ang kilay ni Ms. Maldita. "Ikaw kaya magluto? Kaya mo? Psh, magluto ka mag-isa! Wag mo akong minamadali, Ajay. Itapon ko itong sandok sa pagmumukha mo e."
"S-Sorry po," bumalik na agad sya sa kanilang kwarto. Ang batugan talaga.
"Oy, Jona bestfriends kayo diba? Wala ba syang alam gawin sa buhay?" tanong ni Ronier habang hila-hila ang katawan ni Kian. Kawawa naman.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
