Chapter 32

479 13 2
                                        

Samantha's Point of View.

"Last day na natin so let's make it more memorable," sambit ni Jessie na may hawak pang tequilla sa kamay.

Panglast day na namin dito at parang di ako nag-eenjoy simula nung dumating kami dito. Ang lungkot ko lang ata masyado.

Nakaconcentrate lang ako sa panunuod ng TV, habang sila nagsasaya ng walang bukas sa tabi. Haay, kung bakit ba kasi andito sila sa kwarto namin?? GRR!!

"Hoy, quiet please. Di ko marinig sinasabi ni Goku!!"

"Nagpaparty tayo, Sam. Wag ka ngang KJ jan," ani ni Ajay. Sinamaan ko sya ng tingin dahilan ng pag-upo nya at pagtahimik. Nagtawanan naman yung iba lalo na yung kambing na Patpat. Rinig na rinig ko tawa nya, abot hanggang dulo.

"Ang sabi ko tahimik. Hindi palakasan ng boses!!" Sigaw ko na naman kaya ayun, tumahimik na nga.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Rose. "Problema mo, Sam? We're celebrating here. You don't have to be so moody!"

Tinaasan ko sya ng kilay dahilan ng pagkapit nya pa lalo sa braso ni Kian.

"Ang bingi mo kasi. Kung magccelebrate kayo, dun sa hall. Not in our room!" matigas kong sabi.

Inirapan nya lang ako habang patuloy sa pagpapaypay sa sarili nya na parang isang donya. Napatingin sa akin si Kian kaya nag-iwas na lang ako agad.

"I'm going outside," paalam ko sa kanila tsaka dali-daling sinuot ang black jacket.

Kainis. Mas sumasama lang ang hangin dito sa loob. Gusto ko na bumalik doon sa camp. Kung saan mas peaceful at mas mahangin kaya masarap pagpahingaan kasi hindi ka naman masusundan ng masamang impluwensya.

Habang naglalakad. Napadpad ako sa malaking swimming pool sa loob nitong condo. Di ko nga lang alam kung anong floor ito basta't nasa condo pa rin naman ako.

Naupo ako sa isa sa mga folding beds malapit sa maliit na puno ng niyog. Ang lamig dito tsaka ang tahimik pa. This is better kesa dun sa room namin. Mula sa pwesto ko, nahagilap ko ang isang matangkad, matipuno, maputi, at malaforeigner na lalaki sa kabilang side nitong pool. Nakasummer shorts lang sya at mukhang magddive pa. Oh My G, abs lang yung akin, pwede??

Umahon sya pagkatapos ay napatingin sakin. Oo sakin talaga. From head to foot pa pero napako din agad sa legs ko tapos balik sa aking mukha, tsaka sya ngumisi.

Ang gwapo, may dimples pala ito!! Nilapitan nya ako ng dahan-dahan tsaka ko naaninag at nahinuha ng masinsinan ang gwapo nyang mukha. Ang gwapo nya talaga, nakakalaglag panty.

"You're alone?" Tanong nya.

At infairness, husky pa yung boses.

"Yeah."

"Asan mga friends mo?" Habang tinititigan ako sa mata ng sobrang lapot.

Mukha syang model sa abercrombie.

"Uhm.. ewan, nasa room namin. Bakit ba?" Pagtataray ko. Umaandar pa din pala katarayan ko no?

"May period ka miss?" Biglang nagsalubong ang dalawa nyang kilay.

Sinamaan ko tuloy sya ng tingin. Di ko nagustuhan sinabi nya sakin. Di naman kami close kaya wala syang rason para pagsabihan ako nang ganun.

"Ano? Di tayo close, stop pestering me!"

Ngumisi sya sakin at hinawakan ang mga paa ko. Jusko, mukhang hihilain nya pa ata ako pababa ng swimming pool. Gusto ko nga sa beach e!

"B-Bitiwan mo nga mga paa ko. Ano ba!" pinipilit kong sipain ang dalawa nyang kamay pero mas lalo nya lang iyung hinihigpitan.

Camp Royalty | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon