Chapter 13

517 13 0
                                        

Chapter 13



"When love feels like magic, its called destiny. When destiny has a sense of humor, its called Serendipity." ( *Serendipity )

- kindly play : Strange Magic -


-----------------------

Ronier's Point of View.

Natapos ko ng pakainin ang baboy, pati manok, tapos tinali ko na yung mga panggatong na kahoy. Hmm.. maliligo muna ako.

Pumunta ako ng banyo dala-dala ang towel at sabon ko. Hindi na ako kumatok pa kasi sa pagkakaalam ko, may ginagawa yung lima ngayon kaya binuksan ko agad ang pinto.

"AAHH!!!"

"GYAAAHH!! S-SORRY!!!!!" sabay sarado.

Shit, shit, shit, shit. Hindi ko sinasadya, malay ko bang naliligo pala si... si Jessie! Akala ko kasi... akala ko lang pala talaga!

Lumipas ang ilang minuto bago s'ya tuluyang lumabasa ng banyo nang nakabihis na. May damit sya sa loob ng CR?

"Ah. Jessie, s-sorry nga pa-"

Hindi n'ya ako nagawang harapin. "O-Okay lang. Okay lang talaga promise."

Dahan-dahan ko s'yang pinaharap sa 'kin. "Talaga ba? Mukha ka kasing galit..." Ang pulaaaaaaa nyaaaaa! "O-okay ka lang ba? Gusto mong gamot? May lagnat ka ba?"

"Ha? W-wala, ganito talaga ako kapag... nahihiya," tapos iniwas na naman nya ang kanyang tingin sa 'kin.

"Hindi ko naman sadya na ano... ba't ba kasi walang lock itong pinto ng CR?"

Bigla na lang syang tumakbo paalis. Ang laki ng kasalanan ko, feeling ko tuloy nilabag ko ang sarili kong rule sa buhay. No peeking of ladies. Pero hindi ko naman talaga iyon sinasadya at wala akong balak na bosohan s'ya. Promise, mamatay man si Darna.

Pumasok na ako sa banyo at agad naligo.














Jessie's Point of View.

*blaaaggg*

Sinarado ko agad ang pinto pagkarating ko ng kwarto. Aggghhh, sa lahat ba naman ng makakakita sa 'king nakahubad. Si Ronier pa? Bakit ba kasi walang lock yung CR!? Ang bilis ng tibok ng puso ko nung nalaman kong sya iyon, hindi ko pa naman inaasahan ang buong pangyayari.

Biglang pumasok si Sam sa room na sobrang dumi ng damit. Saan eto galing?

"Oh bakit? May problema ka sa itsura ko?" Taas kilay nyang pagtatanong.

"W-Where did you-" naku, baka magalit to sa 'kin pag nagtanong ako. Curious kasi ako, sorry na.

"Tss, sa kakahuyan. May tumulak na patpat sa 'kin. Akala ko ahas," sabi nya sabay kuha nung sabon at shampoo.


Teka? Maliligo ba sya? "Ahm Sam, naliligo pa kasi Ronier."

"Eh ano naman? Paaalisin ko sya sa CR, ang baho ko na. I want to take a peaceful bath." ang taray talaga.

Magsasalita pa sana ako kaso inunahan ako ni Kian na kakapasok lang din. "Naliligo pa nga raw e. Kababae mong tao, bobosohan mo sya? Tsk," may palingo lingo pa syang ginawa.

Waaaa. Naaalala ko tuloy yung nangyari kanina, bigla tuloy akong namula. Nag iinit na tuloy ang pisngi ko mula ulo hanggang paa.

"At sinong may sabi sayo na maaari kang pumasok dito? Dun ka nga sa kwarto nyong amoy tae!" tinulak sya ni Sam palabas kaso mas malakas talaga si Kian.

Camp Royalty | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon