Samantha's Point of View.
me : <_<
sya : >_>
sila : =________=
Andito kaming lahat ngayon sa hapagkainan. Kakain na sana kami kaso bigla pa silang sumulpot dalawa, lalo na ang maingay na babaeng yan dala-dala nya pa habang, nakapulupot na parang ahas sa isang puno. Tutal naman, parang kahoy yung pinupulutan nya.
"Hi guys?? Kainan na pala, di nyo man lang sinabi?? -3-" sabay pout. Leche!! Sarap nyang bangasan. Tiningnan ko si Kian tapos bumitaw sya mula kay Rose at tumabi sa kin. Nagulat nga si Rose sa ginawa nya, what a brave man. Pwe!!
"H-Hubbyyy? Tabi tayo ha," tapos nilapitan nya ko. "Ah, excuse me lang po, Sam, jan ako sa tabi ng 'ASAWA' ko."
Kinuha ko yung kutsilyo tapos-
Hiniwa sa manggang hinog. "Pagkatapos kong hiwain tung mangga, aalis na ko," sabi ko habang naghihiwa.
Tiningnan ko mga mukha nila, akala siguro nila mamalditahan ko tung babaeng 'to. Kaso mali kayo, di ko yun gagawin, wala akong sapat na dahilan. Isa pa, she was polite when she said that so mapapatawad ko pa sya nyan.
After I sliced the mango, tumayo ako at aalis na sana pero may humawak sa balikat ko. "Dito ka lang," sabi nya.
"Walang mauupuan yung prinsesa!" i said sarcastically kaya naman nag-iiwasan sila ng tingin ngayon. Maliban kay Kian.
"Dito ka sa upuan ko, dun ako sa labas. Rose, dito ka!" inis nyang sabi sabay turo sa upuan ko.
Baliw ba sya?? Sinabi na nga nang tokneneng na 'to na dapat tabi sila diba? Kaya nga ako aalis para magkatabi sila tapos ngayon--- ang bobo lang kasi!
"Hoy? Naririnig mo ba sarili mo? Sabi nang maganda!!" diniinan nya pa talaga, "Tabi kayo! Di nya sinabi na jan sya uupo kahit wala ka, tabi nga kayo diba??" - Jona.
"Oo nga naman, Hubby! The nerd is right, tabi tayo >.<" segunda nya sabay pulupot. Bwisit, nakakailan na sya ha? Teka -- paki ko ba? Engage na sila kaya okay lang. Pero PDA kasi, napakaPDA lang.
"N-Nerd??!!" inis nyang sabi, agad na kumuha ng tinidor si Jona at tinusok sa kamay ni Rose, buti nakaiwas sya agad.
Tiningnan nya lang fingernails nya, "Uh-oh, don't try to ruin my nailarts. Mahal pa to sa eyeglasses mo!" sabi nya sabay smile. Dahilan para kumulo dugo ko!
This time, i turn my right hand into fist. Di ako marunong makipagsampalan. Gusto kong makipagsuntukan. Di ko namalayan na may nasuntok na pala talaga ako... at di yun si Rose. Si Kian, Si Kian nasuntok ko!!!!
O________O
Buong pwersa ginamit ko dun kaya nagkalat yung pagkain sa mesa dahil dun sya tumumba. Tang*na hindi ko sinadya!!
"H-H-HUBBYYYY!!!"
"Tsk. Tumahimik ka nga, galos lang e," sabi nya trying to wipe the blood on his lip. "Ang hina," sabay tayo. Di yun maaari, full force kong suntok ko na yun. Bakit pa sya nakatayo? Last time suntok ko, umaray sya pero di yun malakas.
He's lying!
Nanlamig kami sa ginawa ko. Kahit ako kasi, kinakabahan na baka natanggalan ko na sya ng ngipin o bagang. Pero wala lang sa kanya yung ginawa kong suntok. "I-I'm s-so- ha!" napagasped ako bigla. Muntikan ko nang sabihin yung di karapat-dapat sabihin.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
