Samantha's Point of View.
This is it.
Lalabas na rin kami ng camp sa wakas. Miss ko na din ang labas nitong camp, bawal kasi kaming makipag communicate sa labas. Parang PBB no? Psh.
"Sam, nakita mo ba brief ko?" sigaw ni Ronier mula sa kabilang kwarto.
"Bakit ako tinatanong mo? Hindi ako magkaka-interest sa brief mo!!" sagot ko.
At sinong matinong tao ang magnanakaw ng brief? Seven lang kaming andito, alangan namang isa sa amin ang kumuha.
=_______=
"Hanapin mo, wag kang tanga."
Nag-aayos ako ng gamit ko ngayon, ganun din yung iba. Pero nasa labas na sila at hinihintay ang van na darating maya-maya. Ako na lang naiwan mag-isa sa kwarto. Sa kabila naman si Kian at Ronier na lang natira.
Bigla-bigla na lang akong tinapunan ng swimsuit. Bra at panty talaga tapos two piece pa. Tinitigan ko lang yun hanggang sa magsink in sa utak ko kung ano ang nangyari.
"Ah.. Ron, baka sayo tung two-piece. Hinahanap mo brief mo diba??" sigaw ko.
Tinitigan ko pa rin yung two-piece. Ano ba yan, kadiri kung susuutin ko. Kulay red pa, blue gusto ko. BLUE!!
Bigla-bigla na lang pumasok si Rose na nakasummer straw hat. Color pink pa tsaka may stripes na white.
"Anong kailangan mo??" pagtataray ko.
Akala nyo di ko sya tatarayan no?? Mali kayo, hahaha. Masaya kasing makipagtarayan sa mestizang tilapya na yan.
Tinaasan nya ko ng kilay. Kaya tinaasan ko din kilay ko, nagulat nga sya kasi mas mataas pa kilay ko kesa sa kanya. Napa'gasped sya sa ginawa ko, ha! Pataasan pa kami ng kilay kung gusto nya.
"Ha! Di yan didikit sa katawan mo kung tititigan mo lang!!!"
"What are you talking about??" Oha. Napaenglish ako ng wala sa oras, lunukin mo yung english pekene ko, Rose.
"S-Sayo yan. That's the swimsuit that I'm going to give to you kaya wag kang magreklamo," sabi nya sabay open nung fan nya na parang mayordoma.
Kala mo kung sino!! Grr, bangasan ko buhok nya sa ilalim e. Nakuuuu!!!
"Ayoko nyan, gusto ko blue," pag-iinarte ko.
Bumalik ugali ko no? Galing diba? Two days later lang yun at bumalik na ako sa dati kung pag-uugali. Mataray, maldita at di papatalo ng basta-basta. Narealize ko kasi na di dapat ako magpadala sa mga nangyayari. Lalo na pagdating kay Kian. Wala naman syang pake sa 'kin simula nung iwan nya kong nakatunganga sa labas after naming mag-usap.
"Ang arte mo naman, ako lang pwedeng mag-inarte dito!!"
Tumayo ako at tinapon sa pagmumukha nya yung two-piece.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko, blue gusto ko. Hindi red, ang panget ng red, super duper pangit!!"
Lumabas mula sa room nila si Ron, dala-dala ang gamit nya.
"Sino sabi pangit ang red??" sigaw nya.
"WAG KANG MANGIALAM!!"
Hinarap nya ko at tinaasan na naman nya ko ng kilay at nagminaldita. Aba't, gusto nya talaga ng pataasan e.
"I heard you!! I told you, bawal mag-inarte dito. Yan na lang yung natira dahil kinuha na nung dalawa ang violet at orange," tinuro nya pa yung dalawa habang naggigitara sa labas.
Mukhang nagkakatuwaan ata sila ha? Di pa kasi ako tapos mag-impake ng gamit. Three days daw kami dun. Maghohotel kami at nakapa book na si sir Rj. May swimming pool na libre at sa labas naman may beach. Pero mas gusto ko sa beach kahit mainit, atleast maganda ang view.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
