Kian's Point of View
"Wise men say,
Only fools rushed in.
But i can't help, falling in love with you-" kanina pa ko kanta ng kanta habang dala-dala tung gitara ni Jessie. Sya lang naman kasi ang mahilig sa music kaya hiniram ko muna.
"Uy, Kian..." pagtawag ni Ronier sa 'kin. "Bakit paulit-ulit yang lyrics mo? Hindi mo ba alam yung full?"
"Hindi e, di naman ako mahilig sa music. Sa sports kasi ako, kahit ano basta sports, magaling ako jan." Di naman sa pagmamayabang pero ganun talaga e, biniyayaan ako ng talent at gagamitin ko yun para umasenso. Ahahaha, jke.
Tinapik nya ko sa balikat, "That's not what I mean."
Napuno tanong utak ko. Confusement went all over my face. "Ano?"
"Ibig ko talagang sabihin, bakit yan ang kinanta mo? Can't Help Falling in Love kasi baka may pinaghuhugutan ka!"
"Ah, yan ba. Wala naman," diretso kong sagot. Wala naman talaga kasi, tsaka sino bang kakantahan ko e ang pangit nga ng boses ko. Walang may gustong makinig -,- pero pagdating sa sports, luhod lahat ng chicks *wink*
Sumulpot bigla na parang phantom si Amazona. "Kadiri, trying hard ka naman."
Sinamaan ko sya ng tingin. "May dalaw ka ba? Di kita inaano jan, tinatarayan mo na naman ako! Anong pake mo kung kumanta ako?"
"Wala kong pake sayo, kahit magpakamatay ka pa dyan di kita pipigilan. Kapal mo rin!"
"Bakit naman ako magpapakamatay?"
"EXAMPLE LANG YUN WAG KANG TANGA UY!"
"TAHIMIK! Pagbuhulin ko kayong dalawa dyan e! Ingay-ingay nyo ha," sigaw ni Ronier.
"Babaeng 'to kasi ang sungit-sungit!" sabi ko sabay turo.
"Ang ingay mo kasi, kanina ka pa kanta ng kanta dyan e hindi naman kagandahan bose-"
"TAHIMIK NGA SABI E!" sigaw nya ulit. Napayuko na lang ako at inirapan nya naman si Ronier "Tsk, bakit ka nga pala andito, Sam?"
"Heto pagkain nyo," sabi ni Sam, "Dalhin ko na lang dito atleast may pulutan kayo jan. Nakakaawa kayong tingnan!" at pinandilatan nya pa ako ng mata.
"May awa ka pala?" tanong ko.
"Wala! Isa pa, may sasabihin akong importanteng bagay sa inyo," pupulot na sana ako ng mani kaso hinampas nya ang kamay ko ng sandok.
"Saan mo ba nakukuha ang mga sandok na yan ah?" sabi ko sabay himas sa kamay ko.
"Wala kang pake dun, anyways, someone will come tonight. Hindi ko alam yung oras pero babae sya at ewan, di ko alam yung pangalan. Basta babae, magccamping sya kasama natin kaya maghanda tayo kung sakali," paliwanag nya.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
