Chapter 11
—
Samantha's Point of View.
Gabi na. It's already 7:15PM at sobrang ginaw na dito sa bahay, buti at hindi madamot yung elegante at pinahiram ako nitong jacket.
"Lights out!" sabi ko at akmang papatayin ang ilaw kaso...
"Wag muna!" alam na alam ko agad kung kanino ang boses na iyon.
"Wag muna mo mukha mo. Good night guys," sabay off nang ilaw sa sala.
Makikita mo kasi mula dito sa kwarto namin ang kwarto ng boys. Buti may pader sa pagitan kaya hindi mo masyadong marinig ang kanilang pag-uusap. Pumasok agad ako sa kwarto namin. Nagbabasa pa rin ng libro si Jona at sulat naman nang sulat ng lyrics si Jessie. Gusto ko ng matulog, pagod ako ngayon. Kagagaling ko lang kaya sa lagnat.
Umakyat ako papunta sa kama. "Good night sa inyo."
"Wag muna," boses yun ni Jessie.
"Bakit?" I asked trying to clarify what she said. "Matutulog na ako."
Nagkamot naman sya ng ulo. "May itatanong lang sana kasi ako."
Nagtakip ako ng kumot. "Tanong mo sa matalino."
"Um, okay. Jona ano ang feeling kapag may crush ka?" seryoso nyang tanong.
Interesting...
Dahil dun, nagkainterest ako at nakinig. Hindi ako nakikichismis, ang lalakas ng boses nila kaya natural na marinig ko. Napatigil si Jona sa pagbabasa dahilan para sagutin nya yung katanungan.
"M-Masarap?"
Tanginang sagot yan, Jona. Halatang birhen ka pa nga! Para ka lang kumakain ng cake ha? Masarap.
"Tanong ba iyan? Eto na lang, na-in love ka na ba?" si Jessie.
"Ha? E kasi.. Oo, siguro," she stuttered.
Siguro? Psh, kung alam ko lang. OO dapat talaga yan. May gusto kaya sya sa bestfriend nyang manhid.
"Ahh. Anong feeling? Kahit naman hindi ka sigurado, masasabi mo ring in love ka diba?" si Jessie.
"Oo naman, ang sarap sa pakiramdam. P-Para kang nasa cloud nine," sagot nya.
Cloud nine? Sorry, pero never ko pa yung naramdaman sa buong buhay ko.
"Cloud nine? May signs ka ba kung bakit mo nasabi na in love ka nga talaga?"
Mukhang nag-isip ng maigi si Jona. Rinig ko kasi yung 'hmm' nya.
"Meron naman siguro. Yung gusto mo sya palaging kasama, kahit masakit sya sa mata. Gusto mong araw-araw syang makita. At hindi kumpleto ang araw mo pag wala sya. Ganun."
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
