Samantha's Point of View.
"Gyaaah, ang ganda ng room natin at ang laki pa!" sigaw ni Jona habang patalon na humiga sa king size bed.
Nasa 20th floor kami, akala ko talaga 100th floor. 25th floors lang pala ang andito. Nilibot ko yung mata ko sa buong room, ang laki-laki, ganito ba kalaki lahat ng kwarto nila dito?
Kanina lang sinabi nya sa 'kin na sa kanila 'to at hanggang ngayon. Di pa rin ako makapaniwala. Di kasi halata sa itsura nya. May tinatago pala silang yaman, sabi nya pa sa akin dun sa Neverland na di sya isang royalty. Psh, what a liar.
"Sam," tawag nya.
"Bakit?"
"Di ka ba kinakabahan?" seryoso nyang tanong sa 'kin habang nag-aayos ng gamit.
Napuno tuloy patanong utak ko. Anong ibig nyang sabihin?? Di ko kasi gets e.
". . . Bakit ako kakabahan? -.-"
Sumali rin si Jona sa usapan na gumagawa nang anghel sa kama. Para syang nasa snow ngayon, ineenjoy nya talaga sarili nya.
"Oo nga naman, Jessie. What do you mean by that?"
"E kasi.. magkasama sila Rose at Kian sa iisang kwarto diba? Okay lang ba talaga yun? Baka may mangyari sa k-kanila," kabado nyang sabi.
Halaaa, yan ba talaga iniisip nya ngayon? Kasi ako di ko man lang yun naisip ever. Ang naiisip ko lang ngayon, kung paano ako makakatulog ng maayos habang walang iniisip. Ay ano ba tung iniisip ko? Tss.
Yung atensyon nilang dalawa nasa akin lang. Mukhang naghihintay sila ng sagot ko. Ano bang gusto nilang marinig mula sa 'kin?? Wala silang maaasahan na magandang sagot dahil di ko naman yan iniisip.
"Edi may mangyari," nonchalant kong sagot. Yeah, yeah, denial talaga ko. Pake nyo?
Nagtinginan silang dalawa, ako naman hinihila bagahe ko papunta sa third bed. Dun ako matutulog, ayoko ng napapagitan. Tutal naman si Jona na yung nagkalat sa king size na nasa gitna, kami ni Jessie sa dalawang gilid.
"R-Really? You're not jealous?" paninigurado ni Jona.
Umiling-iling ako. Hindi, dahil wala akong karapatang magselos. Walang kami at hinding-hindi magiging kami.
"Hm... talaga? Di ka rin ninenerbyus kung sakaling may marinig tayong-"
Bago nya pa tinapos sentence nya. Umiling ako ulit at binuksan bagahe ko. Mag-aayos muna ako saglit bago magcheck ng kung ano-ano. Gusto ko rin kasing libutin tung buong hotel/condo nila.
Dahil sa ginawa ko napabuntung hininga na lang yung dalawa.
"Tsk. Di ko sya gusto at imposibleng maging kami. Kaya pwede ba.. don't push me to that stupid walking bamboo stick."
Naiinis kasi ako kapag tinutulak ako sa iba. Tapos di naman ako kayang gustuhin ng gusto ko, useless din effort nila. Tulak sila ng tulak, layo naman ako ng layo. Parang wala ring nangyayari sa ganung sitwasyon. At yun ang sitwasyon namin.
Nasa kabilang room lang yung boys, nasa gilid lang talaga namin. Pero di naman marinig rinig ang pinag-uusapan dahil sa kapal ng wall. Pati ba naman dito, bawal kaming pagsamahin? Pero nevermind kasi libre naman 'to. At mas okay na rin kung iisipin.
Tapos yung magfiancée, ayun.. nasa ibang kwarto. Ewan ko lang kung saang lupalop nitong condo. At wala rin akong pakialam no, not interested. Ang akin lang makatulog ako ng maayos. May swimming pool din sa top floor at tanging VIP's lang ang nakakapasok. Gusto ko yung bisitahin at yun ang una-una kong gagawin bukas.
Habang nag-aayos ng gamit. Di ko namalayan na nalaglag pala yung picture namin ni mommy kasama si Drake.
Pupulutin ko na sana kaso pinulot na ni Jessa para sa 'kin. Tinitigan nya yun ng matagal.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
