Chapter 20

489 18 0
                                        


Samantha's Point of View.


Kagabi ko pa 'to iniisip.

Para akong may sakit dahil sa irregular heartbeat na ito. Bumibilis, tapos bumabagal, nagiging normal pero tumitigil din minsan.

Nakita ko si Ronier na kagigising lang. Mukhang hindi nya ata ako napansin. Well, he is none of my business. Mas importante itong health ko. Andito ako ngayon sa balcony nagtatali ng sintas. Kailangan kong magjogging ng sampung beses. Hindi kasi ako nag-e-exercise nang maayos kaya naman ibabalik ko na ang dati kong routine upang makaiwas sa arrhythmia o mas malalang sakit.

Time checked, 5:02AM. Whoo, nakakatakot pa naman kapag mag-isa kang mag-jo-jogging sa masukal na kakahuyan ngunit may daanan naman kaya ayos lang.

"Sam, saan ka pupunta?"

Nilingon ko iyong nagsalita, si Jessie pala. "Magjojogging." napatingin ako sa kanyang attire, mukhang gano'n din ata sya. "Mag-jo-jogging ka rin?" tumango sya agad. "Bakit?" pahabol kong tanong.

Baka kasi pareho kami ng nararamdaman. Baka pareho kami ng sakit.

"My heart was beating irregularly these past few days. Nakakabahala na kasi."

"Pareho pala tayo."

"I'll come with you, if that's okay?" she asked.

Tumango ako na ikinatuwa nya naman. Ang babaw talaga nang kaligayahan ng babae'ng 'to. Hindi pa siguro sya nagkakaroon ng maraming kaibigan sa buong buhay nya.

Sabay kaming tumakbo papunta sa puno ng durian, tapos balik sa puno ng Chico, papunta sa puno ng Talisay, at puno ng saging, and then repeat it ten times. Para ka na rin kasing tumatakbo sa track and field kaso nga lang mas challenging dito sa camp dahil na rin sa dami nang paikot-ikot.

Nagpahinga kami pareho at naupo sa isang bench na gawa sa kahoy. And it's under the Talisay tree.

"Hooo! Hindi ko alam, parang mas bumibilis na naman ang tibok ng puso ko!" si Jessie.

Hinawakan ko ang aking dibdib. Normal na sya, bakit ganun, iba pa rin kasi yung nararamdaman ko simula kahapon. "Ayos na siguro ako."

"Ah, kayo pala iyan Sam at Jessie. Akala ko kung sino," si sir Kye na may dala-dalang gulay at prutas sa loob ng kanyang basket.

"Hi, Sir!" bati namin.

"Napadpad ata kayo sa lugar ko?"

Lugar nya ba 'to? Sabagay, same route lang naman kasi dinaanan namin Jessie para makabalik kami agad.

"Nag-jo-jogging lang kami," pagsusungit ko.

Napatingin sya sa kin. "Aish, magbago ka na nga Sam, may dalaw ka lagi e."

"Tse!! tara na nga, Jess. Di yan matinong kausap promise."

Nagdadalawang isip si Jessie sa pag-alis. Bakit ba kasi? "Pero kasi ---"

"But what?" I asked, crossing my arms.

~ grumbleeesssss ~

"Tiyan mo ba yun?" Tanong ko tsaka sya tumango ng mabilis. "Di ka ba muna nag-almusal bago nagjogging ha?" Lumingo-lingo sya. Uuggghh!!! She's hopeless.

"Ahahaha, kung ganun. Dito muna kayo sa bahay magstay, tutal naman gagawa ako ng champorado." Utas nya. At akala n'ya siguro mahuhumaling kami sa champorado nya.

I rolled my eyes, "Naku wag na! Baka di yan masarap!"

"Bahala ka, dadamihan ko pagluluto para atleast madalhan mo yung iba pa. Gutom na rin si Jessie oh, di na nya kayang maglakad," sabay paawa effect.

Camp Royalty | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon