// Have fun guys, part 2 of Chap B ;)
Samantha's Point of View.
"Sam, pinapatawag ka ni sir sa office nya," tawag ni Ronier sa 'kin. Ang dumi-dumi nya pa kasi kagagaling nya lang nyang magpakain kay King- yung mother baboy.
"Oo, pupunta ako mamaya. How many times do you need to remind me?" pagmamaldita ko. Paano ba naman kasi, simula kaninang umaga nya pa sinasabi na pinapapunta ako. Di naman ata yun aalis diba? Kukuha lang ako ng karne bilang panghain para sa anak nyang mukhang tokneneng. Psh.
"Pinapaalala ko lang. Gusto mo samahan kita?"
"Kaya ko na mag-isa."
"Pero kasi-"
"Lam mo, para kang si Jessie -,-" pagkasabing pagkasabi ko nun. Bigla ba namang namula mula tuhod hanggang siko. May something talaga dito.
"D-Di naman, ayyyy, ano kasi may itatanong lang din ako sa kanya kaya sasama na lang ako sayo. Pwede?"
Tumango lang ako at bumalik sa pagtanaw sa view mula dito sa puno ng rambutan. Sa kabila ang kila Jona.
>_> -- tingin dun kay Jona at Ajay. Buti pa sila, happy go lucky lang at ang ganda ng relationship nung dalawa. Haaay.
<_< -- tingin sa kabila. Nyaaahh, magkasama na naman yung dalawa. At gaya ng dati, nakapulupot na naman si Rose sa kanya. Tss.
Napabuntung hinga na lang ako sa nakita ko. Ano ba naman 'to, almost one week na syang andito pero di ko feel maging ako. Feeling ko, nasasapawan nya ako. Kaso, hindi talaga yun e. Akala ko ganun yung nafeel ko pero hindi dahil ayos lang naman sa 'kin masapawan ng iba kasi di pa talaga ako nasasapawan sa buong buhay ko kaya imposible. Kakumpetensya ko ba sya??
"Sam, bumaba ka na. Puntahan na natin si sir," nakatingin ako sa itsura ni Ron. Buti naman at maayos na itsura nya, nakabihis na din ng damit.
"Ron, kapag nahulog ako. Saluhin mo ko!!" sabi ko bago tumalon, magsasalita pa sana sya kaso naunahan ko na ng pagtalon. Kaya ayon, bali-bali buto nya. De joke, magaan lang ako, kahit ganito ang aking pangangatawan. Magaan lang talaga ako promise.
Inabot ko sa kanya kamay ko, at tinulungan syang tumayo. "Thanks," sabi nya.
"Tara na, ang bagal-bagal mo din e." sabi ko at nauna nang naglakad.
Napalingon ako sa dalawang naghaharutan ng walang bukas. Para talagang ahas si Rose sa ginagawa nya at walang reaksyon si Kian. Ano ba? Bakit di sya manlaban, di nya ba feel ang pangmomolestiya sa kanya ng babaeng mas maharot pas malandi??
"Tsk."
Napalingon si Ronier sa reaksyon ko. "Okay ka lang?" tapos napatingin sya sa tinitignan ko kanina pa. "Aaa‐" magsasalita pa sana sya kaso umakma akong nagkarate chop. Subukan nya lang may sabihin sa 'kin, malalagutan sya ng hininga jan mismo sa kinatatayuan nya. Nagsignal sya nang 'zip-my-mouth' kaya okay na.
"Wag ka nang magsalita pa. Mali yang iniisip mo!" Nagshrug sya tapos lingo lang ng lingo. Okay, mukhang wala sya sa matinong pag-iisip nya ngayon.
Pagdating namin sa office ni sir, di na ako kumatok pa at pumasok na agad-agad. "Teka, that's rude," - Ron.
"Shut up, walang rude, rude dito. Tsaka, pagkain lang pinunta natin dito at wala ng iba pa," sabi ko at binuksan ang ref sabay kuha nang napakaraming bacon at porkchop. "Bakit puro karne ng baboy?" Kumuha na rin ako ng hotdog at chicken chorizo.
"A-Ang dami nyan, magtira ka naman para kay sir."
Napatingin ako kay sir, natutulog lang sya sa kama nya habang hawak-hawak ang remote at naka-on pa ang TV.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
