Kian's Point of View.
"B-Bakit kayo magkasama?" sabay sabay pa talaga.
Hindi ko sila pinansin, sa halip tinapon ko sa pagmumukha nung dalawa ang limang cellophanes ng rootbeers, cokes at junkfoods.
"Oh, badtrip ka ata?" si Ajay habang hinahalukay ang cellophanes.
"Sarap nyong gulgulan e. Next time, wag nyong hayaang mag-isa si Sam. Sasakalin ko yang pagmumukha nyo," galit kong sabi.
Nagulat sila sa sinabi ko pero mas nagulat naman ako! Ano ba kasing pinagsasasabi ko?Napatingin ako kay Sam na kabubukas lang ng root beer. Nagulat din sya kaya nag-isip ako ng palusot.
"Ah, ganito kasi yan. Nakabangga ko sya kanina, ang lakas nga e. Muntikan na kong mapunta sa kabilang hall, ang mga amazona dapat sinasamahan para di gumawa ng eksena. Lam nyo na yun," sabi ko sabay ngiti.
"Aaah..." sabi nila tapos tango ng tango.
Phew!! Buti naman at naniwala. Napasulyap ako kay Sam, nanonood lang sya ng TV habang umiinom ng softdrinks. Akala ko ba root beer binuksan nya kanina?
"Ang boring!" angal ng apat.
"Edi magtatalon-talon kayo," pilosopo kong sabi.
Pinatong ni Ronier yung PSP nya at kumuha nang alak na nasa bote. Di man lang pinansin sinabi ko -_-??
"Guys, spin the bottle tayo," suggestion nya habang nakatingin sa bote.
"Sige, sige, gusto ko yan. Truth or dare ba o consequences lahat?" hyper na tanong ni Jessie.
"Truth or dare para may choices tayo," suggestion ni Jona. "Mas exciting kapag Truth or Dare!"
Oo nga no, kaso nakakabading naman. Nagsilapitan lahat at naupo ng pabilog maliban kay Amazona na nakaconcentrate lang sa panonood ng anime.
"Sam! Hindi ka ba sasali?" si Ajay.
Umiling lang sya at uminom ng coke. Bakit ayaw nyang sumali? This is fun for God's sake.
"Wag na nating pilitin. Tss, let's begin," kukunin ko sana yung bote mula sa kamay ni Ronier pero di nya yun binigay.
Dun ko namalayan na tinititigan pala ako nung apat, at nagsignal na puntahan ko sya at pilitin. Aaaayyy, bakit ba ako pa? Walangya oh!
Tumayo ako at napakamot ulo, takte. Napipilitan ako pagdating sa mga ganito.
"Hoy, Amazona. Sali ka raw sabi nila," walang gana kong sabi.
At wow! Hindi man lang nag-react? Ang galing talaga.
"Hoy! Nakikinig ka ba?" tanong ko.
No choice. Hindi ako pinapansin. Hinila ko sya papunta dun sa bilog. Bahala sya sa buhay nya, its more fun in the Philippines kung sasali sya sa laro namin. Bwahahaha.
"Ugh, bitawan mo ko! Sabing ayoko!!" tapos umakma syang tatayo pero hinawakan ni Jessie jacket nya.
"Upo na, bored ka rin diba?"
Di na sya sumagot at umupo na lang. Ahaha, galing mo naman Jess. Kaya ayun, sinimulan na ang truth or dare.
Si Jona ang unang nagpaikot at tumama yun kay Jessie.
"Truth or dare?" si Jona.
"T-Truth?" utal-utal nyang sabi. "Ay hindi, d-dare na lang pala... ay oo tama, truth nga!"
"JESSIE!!!" sigaw namin.
Nakakalito kasi. Kanina dare tapos truth tapos dare na naman, takot nya lang e. -.-
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
UmorismoSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
