Chapter 06
—
Kian's Point of View.
Bakit ba ang kukulit ng mga babae? Tanong sila nang tanong, pag di namin sasagutin, magmamaktol. Di naman kasi namin alam ang isasagot. Tapos magwwalk out.
"Required ba talaga silang mag-walk out nang mag-walk out?" inis kong tanong.
"Pre, mga babae sila. Normal lang na maging OA nang walang sapat na dahilan," sagot ni Ajay.
Napabuntong hininga na lang kaming tatlo. Wala naman kasi kaming magagawa sa kaOAhan ng girls. Maliban na lang kung... meh. There is no big way na tutulungan ko silang hanapin ang malditang yun lalo na't tinapunan nya ako ng sandok. Muntikan na kong magka heart attack. Joke lang, healthy ako no. Healthy!
"Uy Kian. Tirahan mo si Sam ha," sabi ni Ronier.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "Anong tirahin?"
"TIRAHAN! Tirhan mo si Sam," pagdidiin n'ya sa kanyang sinabi.
Nabingi pala ako!
Hindi ko namalayan na patuloy pa rin pala ako sa paghigop ng sabaw. Ang sarap kasi ng chopsuy n'ya. Nakakapanibago lang.
"Ha? Kailangan pa ba? Baka busog na yun," pagmamaang maangan ko.
"Pre, tirhan mo yun! Baka magalit yun sayo," isa pa tung si Ajay. Akala ko ba kakampi ko sya rito?
Patuloy pa rin ako sa pagkain at pag-ubos nung sabaw. "Bahala kayo, gutom ako. At kabayaran na rin 'to sa pagtangka nya sa buhay ko."
"Pagtangka? Tol, sandok lang yun. Ang gaan sa mukha."
"Oo nga naman, Kian, isa pa, kung di mo sya pinakialaman sa pagluluto kanina, hindi nya naman yun gagawin kaya di mo sya masisisi."
Ugh.
Sige, kampihan nyo ang babaeng yun. Pero huli na ang lahat kasi naubos ko na yung sabaw! Huh! Tingnan lang natin kung gaano sya katinding magalit. I smirked.
Samantha's Point of View.
Gutom na ako at niisa sa kanila walang pumunta sa 'kin sa kakahuyan? Tsk, sunduin nyo ako mga tangina kayo. But, since this is my fault. Babalik na lang ako mag-isa. Bakit ba kasi ang daming punong kahoy sa lugar na 'to. Wala pang signs. Maglagay kaya ako? Tss, ang daming lamok!
Maya-maya nakarating na ako sa bahay. Ako pa naman nagluto nung chopsuy tapos di ako makakakain, its too unfair diba? Bumungad sa 'kin si Jona.
"Bakit ngayon ka lang?" aniya
Dumating sa buhay ko...
"Bakit ba? Tsk, kumain na ba kayo?"
"Oo at mukhang wala nang natira.”
"WHAT! AT HINDI N'YO MAN LANG AKO TINIRHAN?" I shouted.
Aah! Papatayin ko talaga kayong lahat, e. Kainis, mamamatay na siguro ako sa gutom dahil dito.
"Tinirhan ka namin, kaso kinain ni-" I cut Jona's words off.
"MALLOW? Kinain ng aso?" inis na inis na talaga ako. Hindi nyo dapat ako ginugutom ng ganito, malalagot kayong lahat sa 'kin.
"Hindi. Hindi si Mallow, mas masahol pa sa aso."
Namumula na ko. "Sino nga ang nagsabi?"
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
