Jessie's Point of View.
"Uhm- " magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Jona.
"Ang tagal niyo. Where the hell have you been?"
"Uhm-" magsasalita na sana ULIT ako ng bigla na naman akong inunahan.
"Dyan lang sa tabi," tipid na sagot ni Sam. Tumayo sya at pumasok ng kwarto, mukhang dun sya matutulog kasama si Rose.
Kaya yung atensyon ng tatlo, nasa akin na. Kami na lang nila Kian, Jona, Ajay, at Ronier ang andito.
"*sigh* Sige na, Jessie. Sabihin mo na yung nangyari," sabi ni Ajay na mukhang gusto nang matulog kanina pa. Yung ulo nya kasi sasandal sa balikat ni Jona tapos tinutulak naman 'to palayo. Kawawa, baka matanggalan na sya ng ulo.
"Um... ano kasi..." di ko talaga pwedeng sabihin yung totoo. Pero di naman siguro mali diba? Katotohanan to at gusto nilang malaman.
"Kasi?" si Ronier.
"Ano kasi e. Ang tagal kong nahanap si Sam sa kakahuyan, nahimatay ako ng ilang oras bago nagising. Malay ko bang tatalon sya mula sa kahoy na parang kapre. Naupo muna kami sa ilalim ng punong niyog at nagkwentuhan ng konti tungkol sa nangyari, sabi nya di na daw sya magluluto bukas lalo na't napapagod sya ngayon kaya iba na lang daw ang magluto," straight forward kong sabi. Himala kasi hindi ako nautal. Sana pala lagi na lang akong kabahan para tuloy-tuloy pananalita ko.
Isa-isa kong tiningnan ang reaksyon nila >.> , <.< , >_> . Hmmm, mukhang naniwala naman pala. Hahaha.
"Sige, sige, kung yan ang gusto nya. Pagbibigyan natin sya, Ron, tomorrow tayong dalawa ang magluluto. Sige na guys, matulog na tayo," sabi nya, tsaka tumayo at pumasok sa kwarto namin.
Nagsstretch naman si Ajay ng kamay. "Buti naman tapos na ang meeting," pabiro nyang sabi. "Ron, tara na!!"
Yung likod ni Jona, punit-punit ang damit. Anong nangyari? Tsaka kasi yung itsura nya ngayon, parang sampung taon hindi nakapagsuklay. Ano kayang nangyari sa kanila?
"Ah, saan ako matutulog?"
"Dito sa kwarto, saan pa ba??" - Jona.
Napaisip ako bigla. Kung andun si Sam at andun din yung bruha, ibig sabihin.. um.. wala talaga akong matutulugan T_T
"Wag ka nang mag-isip pa, halika na dito," sabi nya.
No choice ako kundi sumunod sa kanya. Di ko talaga alam mangyayari, tama kaya iniisip ko. Kapag pumasok pa ako at sumali, tatlo na kami at wala ng bakanteng higaan. Hmm, baka may extrang kama na ginawa para kay Rose. Ang arte kasi nun tsaka ang maldita kahit wala namang naitutulong.
Dahil sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayan na may naapakan na pala akong something.
"Ay sorry— waah, b-bakit sya? O.o?" taka kong tanong sabay tingin kay Jona na nag-aayos ng kama. Kinindatan nya lang ako tsaka humiga na.
"HMMM!! HMmmmm!!!" sigaw nya na parang baboy. Sorry, di kita matutulungan jan. Baka kasi magalit sa 'kin yung dalawa, isa pa hindi ko naman sya gustong tulungan.
-________-
Sigaw pa rin sya ng sigaw. Tinalian kasi sya ni Jona at tinapalan ng piece of cloth ang kanyang bibig. Tapos yung mga paa nya nakatali sa upuan na kahoy. Nakakaawa syang tingnan pero kung tutuusin, bagay lang yan sa kanya. Inaway nya si Sam tsaka pinaiyak pa. Ang sama nya talaga >.<
Tiningnan ko si Sam na nakatalukbong ng kumot habang natutulog. Nakatalikod sya mula sa pwesto ko.
**Flashback
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
